Mabilis na bumaba ang dalaga at tumakbo papunta sa kotse niya at nag-drive ng mabilis. Namamalisbis ang luha sa mga mata niya at hinayaan lamang ito. "Ang sama mo. Iyon lang naman ang pagkakamali ko pero bakit mo ako sinasaktan ng ganito?" Umiiyak na ani ng dalaga. Napahikbi lamang siya at patuloy sa pag-da-drive wala na siyang pakialam kung mahuli siya ng traffic enforcer sa bilis ng takbo ng sasakyan. "Ang sakit lang," mahinang sambit niya. Parang tinutusok ang puso niya sa sakit. "Sana hindi na ako umasa. Masiyado akong naniwala na mahal mo ako. Ginawa ko naman na ang lahat pero bakit kulang pa rin," malungkot na aniya. Ramdam niya ang sakit na tila wala ng katapusan. Tumunog ang cellphone niya kaya't mabilis na kinuha niya ito. Inabot niya ang kaniyang maliit na bag at hindi napa

