"Where's Asher?" tanong ko kaagad kinabukasan pagkagising ko dahil hindi ko siya kaagad nakita. "Umalis. May pinuntahan. Hindi ba nagpaalam sa 'yo?" sagot ni Aeris na parang nang-iinis pa dahil mukhang hindi nagsabi si Asher sa akin na aalis siya. "Hindi," tipid na lamang na sagot ko bago nagpatuloy sa kusina para kumain. Eksaktong kakakuha ko ng plato ko ay siyang tunog ng phone ko. It was Asher who's calling. "Hey, eat breakfast here. I cooked something for you," he said. "I'm already eating," mahinang sabi ko bago ngumiwi at binitiwan na ang platong hawak ko. "Okay, I'm on my way," tanging nasabi ko nalang bago binaba ang tawag. "Saan ka pupunta?" tanong kaagad ni Aeris sa akin. "Heace," tipid na sagot ko bago lumapit kay Ami para halikan siya. "Don't go somewhere without Ate's c

