Chapter Three
UNIVERSITY..
Habang naglalakad ako sa hallway ay may bigla na lang may nagbasag sa ulo ko ng itlog at ang masaklap pa don ay tatlong beses pa talaga akong binasagan ng itlog sa ulo tsk.
Nag uumpisa na naman silang ibully ako. Narinig ko naman na tumawa sila ng tumawa dahil sa ginawa nila sakin tsk-_-!
Anong nakakatawa sa ginawa nila sakin?
Parang mga bata talaga kung magsiasta tong mga to. Akala mo hindi mga college kung magsiasta e.
Mga pasaway..
Ito na siguro yung sinasabi ng dean sakin kahapon. Hindi ko na lang pinapatulan ang mga pasaway na istudyante na to. Mahirap na ibang klase kasi akong magalit baka mailabas ko yung evil side na itinatago ko.
Hindi ko na lang pinansin yung ginawa nila sakin. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko ng bigla namang may bumuhos sakin na kulay itim na pintura ayts -_-!. Hindi na talaga nila ako tatantanan nakakabwesit lang diba?
Simula nong mag college ako dito. Araw-araw na lang ganito ang ginagawa nila sakin. Akala ko sa highschool lang ang meron nito. Nakakainis na pero kailangan kong pigilan ang emosyon ko para hindi ko sila masaktan.
Nakakasawa na talaga para silang mga isip bata. Hello! College na kaya kami pero yung mga utak nila pang elementary pa rin hanggang ngayon tsk, kaya ko pa naman magtimpi at kaya ko din naman na ipagtanggol ang sarili ko hindi ko lang talaga ginagawa.
Ayoko kasing makapatay ng tao dito lalo na sa university na ako ang nagmamay-ari.
Nakakainis talaga tsk-_-!. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng may bigla namang huminto sa tapat ko kaya naman iniangat ko ang ulo ko at tiningnan ko kung sino. Yung anim lang pala na kaibigan ko tsk -_-!.
"Bes anyare sa itsura mo?" tanong ni shane.
Hindi kasi nila ako pwedeng tawagin na 'Queen' dito lalo na kapag maraming tao. Alam naman nila ang dahilan ko e.
"Malamang nabully na naman tanga lang Shane. Nakikita mo na nga diba?" pambabara na sagot naman ni Kyla.
Gago talaga tong babae na to may pagka-prangka kasi yan, halos lahat naman ng kaibigan ko prangka e pero mas prangka ako kumpara sa kanila.
"Ok lang ako kaya ko namang magtimpi e, don't worry about me." Seryosong sabi ko sa kanila.
Talaga namang kaya ko pang magtimpi e pero kapag hindi na ay talagang lalabas na ang evil side ko.
"Naku! Naku. Lumaban ka nga Queen, hindi yong nagpapa-api ka sa mga yan." Mataray na sabi ni Aira kaya naman napatingin ako sa kanya ng masama at binigyan ko siya ng death-glare-look.
"Aw sorry bes." ngiting sabi ni Aira habang naka peace-sign pa sakin. Alam niya na ang ibig kung sabihin don.
"Aira gustuhin ko man na lumaban sa kanila e alam niyo na ang kalalabasan diba? Alam niyo naman ang rason kung bakit ayaw kung patulan yung mga yun diba?, dahil gusto ko ng tahimik na buhay sa loob ng university na to. Ok lang sana kung outside this university e gustuhin ko man silang bugbugin mismo dito pero ayaw ko, alam niyo naman siguro kung paano ako magalit diba?" Mahinahon kung sabi sa kanila.
Alam kasi nila ang ugali ko hindi naman sa nagpapa-api ako ayaw ko lang talagang pumatol pa sa mga kabaliwan nila.
"Oo na hindi na kami kokontra alam naman na namin yan e." sarkastikong sabi ni Shane. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Nga pala maiba tayo. Anong balita sa underground?" tanong ko sa kanila.
Naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw kaya hindi na ako masyado nakakadalaw sa underground.
'Parang lastweek lang ay nandon kami e hehe'
"Okay naman wala pa namang gustong kumalaban sa grupo natin e." sabi ni Aira habang naka-crossarms pa.
"Parang gusto mo na naman yatang makipag basag ulo ha?" Inis na sabi ni Jane sakin.
'Oo kung alam mo lang para don ko ibuhos ang lahat ng badtrip ko'
"Hindi naman wala na kasi akong ensayo e." Sarkastikong sabi ko habang nakangisi.
"Ano yun exercise at warm up lang sayo ang underground battle?" Nagtatakang tanong ni Shane sakin.
"Malamang. Ano sa tingin mo?" sagot ko sa kanya.
Sa totoo lang wala pang nananalo sa mga gustong kumalaban samin sa underground. Hindi naman sa nagmamayabang ako dahil yun naman ang totoo.
"Ewan ko sayo bes sumasakit bangs ko sayo e." Singit naman na sabi ni Aira.
'Sus akala mo talaga may bangs e'
"Alam niyo para matuwa ako sa inyo samahan niyo na lang ako sa locker room para makapagpalit ako ng extra uniform ko." Seryosong sabi ko sa kanila at nauna na kong maglakad.
"Sige tara may 30 minutes pa naman tayong vacant bago magstart yung class e." Suhestyon ni Aira at sumunod na rin sa kanya yung lima pa.
Habang naglalakad kami papuntang locker room. Napapansin ko na ang lalim ng iniisip ni Jenny.
Ano kayang problema nitong babae na to?
Matanong nga nacucurious ako e. "Ang tahimik mo naman Jen?" Tanong ko sa kanya sobrang tahimik kasi e.
Tahimik naman na talaga siya pero sumobra naman yata ang tahimik nito ngayon.
"Si yassie ba?" Seryosong tanong ni Jenny at napatitig naman ako sa kanya ng nagtataka.
"Ang alin?" Nagtatakang sagot ko sa kanya.
Hindi ko kasi alam ang tinutukoy niya e. Hindi ko gets agad hahaha. Ang slow ko na naman ngayon.
"Ang may gawa sayo nyan tsk." Sabi ni Jenny sakin.
Oyy nag-aalala siya sakin. Minsan ang weird ng babae na to at seryoso sa buhay swerte talaga magiging partner-in-crime nito.
"Hindi ko alam Jen e, sa dinami dami ba naman ng bully dito sa loob ng campus, pero sure ako siya na naman ang nag utos sa mga alagad niya na gawin sakin to siya lang naman ang students na alam kong bully dito e. Alam mo namang hindi lang ako ang nabubully dito." Sabi ko sigurado ako dun.
Saka wala naman akong kasalanan sa kanya sadyang trip niya lang siguro ako at ang mga nerd girl dito.
Nagbigay na ako ng letter sa kanya ng dalawang beses pero wala pa ring epekto sa kanya e.
Isang isa na lang talaga bibingo na siya sakin halos kasi lahat ng students dito gusto na siyang makick out kahit itong anim gusto na din nilang makick-out yung babae na yun.
Malalaki ang mga investment nila dito sa university pero ako pa rin ang masusunod. Mga stock holders ko ang anim na yan.
"Hindi ka pa ba napapagod E na halos mag-iisa't kalahating taon ka nang ginaganyan ng mga istudyante dito. College na tayo E hindi na tayo elementary at high school. Lumaban ka naman kahit minsan." Seryosong sabi ni Jenny na nagpipigil ng galit dahil sa nangyari sakin.
Over-protective kasi sakin yan. Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.
"Darating din tayo dyan Jen." seryosong sabi ko na lang sa kanya.
Alam naman nila kung anong rason kung bakit nagtatago ako sa likod ng nerdy look ko bilang Mafia Queen.
Hindi na siya nagsalita sa sinabi ko. Nandito na kami sa locker room pumunta ako sa locker ko at binuksan ko naman agad ito.
Kinuha ko yung extra uniform ko na nakalagay dito halos ang dami ko ng nasayang na uniform dahil sa pambubully nila sakin dito sa mismong university na pag mamay ari ko.
Tinary ko lang talaga na maging ganito kasi kailangan ko at para na din imbestigahan yung mga nakakarating sakin na maraming bully dito pero hindi nga ako nagkakamali sobrang dami nga nila. Tsk -_-!.
"Wait niyo ko dito punta lang akong shower room." Sabi ko sa kanila at naglakad na ko papuntang shower room para maligo at magpalit ng bagong uniform.
"Sige dalian mo lang may 20 minutes na lang tayo." Sigaw ni Aira sakin.
'Tsk! Ang lakas ng boses ng babae na yon?'
Naglakad na ko papasok sa shower room para makaligo at makapagpalit ng bagong uniform, habang nagbibihis ako ay pinag-iisipan ko yong sinabi ni Jenny sakin. PAANO kaya kung ibalik ko yong tunay na ako 3 years ago?
Magiging hell life siguro ang buhay ng mga istudyante dito kapag nangyari yon tsk.
Nang matapos na kong maligo at magbihis ay agad akong lumabas at inaayos ang sarili ko baka kasi malate na kami reklamador pa naman yong mga babae na yon.
"Ang tagal mo naman Queen?" See! Sabi ko na e. Napaka reklamador talaga nitong si Jane.
"Sorry naman galit ka na agad." Pagbibiro ko sa kanya. Natawa naman siya.
"Hindi naman bati na tayo hehe.." Sabi naman ni Jane habang nagpopout pa.
"Baliw ka talaga. Tara na pasok na tayo sa classroom." Sabi ko at nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom namin.
________________
Classroom
Discuss
Discuss
Discuss
BELL RING......
(Lunch Break)
Inayos na namin ang mga gamit namin bago kami lumabas ng classroom, wala akong naintindihan sa lecture ng professor namin kasi lumulutang na naman yung isip ko.
______________
Cafeteria..
"After ng class natin mamaya mag bar naman tayo." pag-aaya ni Kyla habang umiinom ng juice.
"Tsk! maghahanap ka lang ng lalaki dun e." pang aasar naman ni Shane.
"Sige bar tayo gusto ko din uminom ngayon e." sabi ko sa kanila kaya lumingon naman sila sakin. Alam kong walang aangal sa kanila kapag pumayag na ako hahaha.
"Pero Queen/E/Bes." gulat na sabi nung lima.
"Bahala kayo kami nalang ni Kyla ang mag iinom mamaya." galit kong sabi sa kanilang lima.
Ngumiti naman si Kyla sa sinabi ko alam kasi nila na kapag ako ang nagalit o nagtampo isang taon bago ko sila pansinin.
Totoo yun nangyari na samin yun hahaha halos araw-araw nila akong sinusuyo nung nasa korea pa kami halos lumuha na sila ng dugo para magkabati lang kami.
"Sasama na nga kami e nakakahiya naman sa inyo ni Kyla diba?" sarkastikong sabi ni Shane at tumango na lang yung apat.
Pagkatapos ng last subject nag ayos na kami ng mga gamit para makapunta agad sa bar kahit naka uniform kami go na hehe pwede naman kami sa ganun wag lang under-age. Namiss ko silang makabonding at makainuman kaya ako pumayag ako sa gusto ni Kyla.
Ok na din to para kahit papaano mawala din yung stress ko sa katawan.
__________________
KON RESTO BAR..
Pagkapasok namin ang daming mga nagsikalat na mga lalaki. Tsk wala naman akong type sa mga to para sakin ang papanget nila.
'Hindi naman ako nanghuhusga haha.. sadyang yun kasi ang nakikita ng mga mata ko hehe'
May hinihintay kasi akong tao na nagpromise na babalikan ako kaya hindi ako nagbo-boyfriend hanggang ngayon.
"Daming boylet oh." namamanghang sabi ni Kyla sabay nguso sa mga lalaki na nagsasayaw sa dance floor ayts -_-!.
Basta lalaki hindi talaga siya papaawat e, pero kapag nagmahal naman yan seryoso pa sa seryoso.
"Tara na dun tayo sa vip gusto ko ng tahimik." Pag-aaya ko sa kanila at nauna ng naglakad papunta sa vip room sound proof kasi ang mga vip dito.
"Sige pero mamaya bababa ako dito maghahanap ako ng mga fafables." Sabi ni Kyla habang kinikilig pa.
'Bahala ka sa buhay mo ayts -_-!'
"Bahala ka." Sabi ko at naglakad na lang papasok sa vip room.
Pumasok naman yung waiter at kinuha yung order namin and after a minutes bumalik na siya habang dala dala niya na yung anim na bucket ng alak at apat na bote ng wine.
"Queen ang dami naman yata niyan?" gulat na tanong ni Mitch pagkalapag ng alak sa mesa.
"Gusto kong mabawasan kahit papaano yong stress ko sa katawan. Alam niyo naman nong bakasyon puro office lang ang inaatupag ko diba?" Seryosong saad ko sa kanila dahil totoo naman kasi e.
Alam naman nila yun bago pa mamatay ang mga parents ko.
"Oo nga pala." Sagot ni mitch.
Nakakailang bote na ako pero hindi pa rin ako nalalasing. Nakakainis lang kaya nga ako pumunta dito para mag-inom dahil gusto kong malasing e kaya nga marami akong inorder e pero hindi umeepekto sakin ang alak tsk.
Ganito ba kapag stress?
Wala na yung lima dito. Nagpaalam silang lalabas para sumayaw sa dance floor at maghahanap ng mga pwede daw na ijowa.. kaya kami na lang ni Jenny ang nandito.
"E uwe na tayo." tawag ni jenny sakin.
Sa kanilang anim siya lang ang tumatawag ng E sakin bestfriend ko kasi siya at kanang kamay ko sa mafia.
"Tara na hayaan muna sila inaantok na rin ako e." Saad ko.
Hindi kasi ako malasing lasing e. Ganun ba kapag stress hirap malasing? Ang dami ko ng nainom halos ako na ang umubos ng alak na inorder ko e. Hindi naman kasi umiinom si Jenny ng sobra.
Lumabas na kami ng vip room at nakita namin sila Aira,Jane,Shane,Mitch at Kyla na nagsasayaw sa dance floor ayts -_-!
Bahala sila basta uuwi na kami. Iniwan ko muna sa tabi si Jenny at pumunta muna ako sa counter ng bar para magbayad.
"Magkano yung inorder namin lahat sa vip 5?" tanong ko sa cashier tinototal naman nung lalaki yung mga naorder namin.
"15,590 pesos po mam. Cash po ba o credit?" Sagot nung crew sakin.
"Cash," Kinuha ko naman yung wallet ko sa bag at inabutan ko naman siya ng 16k.
"Keep the change." Saad ko at naglakad na papunta sa lugar kung nasan nag hihintay si Jenny sakin.
Lumabas na kami sa bar at pumunta sa parking lot. Hindi na kami nagpaalam pa sa lima dahil nga mga busy sila sa mga panlalalaki nila e.
"Deretso uwi na Jen baka may dadaanan ka pa nyan?" Seryosong tanong ko sa kanya.
Umiling naman siya sakin at sumenyas na mauuna na siya sumakay na siya sa sasakyan niya. Samantalang ako sumakay na din at nagsimula ng magmaneho.
...............
Dere-deretso lang ako sa pagpasok ng mansyon. Umakyat na ako at dumeretso sa kwarto ko at basta basta ko na lang ibinaba yung gamit ko sa kama. Nagpahinga muna ako sandali bago ako tuluyang dumeretso ng banyo.
After kong maligo at magbihis ay nagblower muna ako ng buhok bago humiga sa kama. Ipinikit ko na ang mga mata ko at ilang minuto lang ay nakaramdam na ko ng antok.
Then everything went blank...