Chapter Twenty-nine ITO na ang araw na pinakahihintay ko sa tanang buhay ko. Sobrang saya ko na hindi ko alam kung totoo ba ito o panaginip lang. Magiging isa na lang kami sa hirap at sa ginhawa. “Anak, I’m so happy for you,” saad ni Mommy sa likod ko.Nakatitig siya sa sa akin while the glam team is doing my bridal look. “Thank you sa inyong lahat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi’to mangyayari.”Muntik na akong maiyaknang umeksena si Tita Bee. “Hoy, Clarey! Masisira’yong makeup, oh! Nako.”At wala kaming nagawa kung hindi tumawa na lang. “Oo na po,”sagot ko at nanahimik na kami. At makalipas ang mahigit dalawang oras, natapos din nila akong ayusan at bihisan. Pinapuwesto naman kami ng photographers para kuhanan ng family picture. Inabot din kami ng kalahating oras sa kaka-pose.

