Chapter Four
“HELLO, Eviana!” masiglang pagbati ng may-ari ng café na inalisan ko, kaya wala akong nagawa kung hindi ang harapin siya at ngitian.
“What’s wrong? Are you sick?”
“No, Sir. Pagod lang siguro ako and stressednang kaunti.”
“Then you should eat. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. It’s either mahihilo ka or sasakit ang sikmura mo,”sagot niya. Tumango-tango naman ako.
-------
“LARGE, please. Thank you.”
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ng dati kong boss. Hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng canteen at um-order na siya ng pagkain.
Ano’ng nangyarisa ’kin? Paano—na-hypnotize ba ako? Member kaya si Sir ng budol-budol g**g? Napakaguwapo at bait naman niya for that. Sumunod na naman ako sa kanya nang magsimula siyang lumakad patungo sa bakanteng mesa sa ‘di kalayuan.
“Sit here.”
I mouthed thank you and he just smiled. Pagkatapos,umalis siya at pagbalik niya aymay dala-dala na siyang tray na puno ng mga pagkain. Natakam tuloy ako.
“Uhhh, Sir? Is this for us?”tanong ko. Mahirap naman kasing mag-assume.
“Nah. Sa’yo lang ’yan,so please finish all of thatas long asyou can—para hindi ka mamutla or mahilo.”
Nakakakilig naman. How can he be so hot and cute at the same time? He’s killing me!
“Hmm, kumain na ako,”nakangitingsabi niya na nagpatigil sa pagtitig ko sa kanya.
Hay, kung alam niya lang kung ano ang iniisip ko.
“Ahm, Sir, nakakahiyang kumain kunghindi naman ako ang nagbayad. Magkano po ba lahat, Sir?”sabay kuha sawalletko na agad naman niyang pinigilan.
“My treat, Eviana. And you can call me by my name instead of ‘Sir.’ Para naman kasing ang tanda ko na plus the fact that you’re not my employee anymore. We’re schoolmates, so maybe we can talk casually like friends now.”
Napalunok ako habangnapapasulyap sa bawat taong dumaraannanapapatingin sa direksyon namin ni Sir. “Sir—I-I mean, can I know your name at least. . . .”nauutal na sabi ko.
“I’m Jaeo,at your service,”sabay pabirong kumindat. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi makalaglag panty ang charms ni Sir Jaeo.
“Ahm, Sir Jaeo . . .a-ano’ng ginagawa n’yo rito sa school? Hindi ba may-ari ka na ng café?”
Natawa siya sa tanongko.“I’m still studying. ’Yong dad ko lang naman ang pumilit sa akin na i-take charge ang café. For experience, maybe. “
Oh, he’s so independent. That’s.So.Manly.
Jaeo’s fun to be with. He has a great sense of humor that here I am enjoying my food while laughing nonstop with his stories and funny life experiences.
------------
BIGLANGtumahimik ang kabuoanng canteen and to find out, it’s none other than Blue Sown that’s walking towardour table. My smile started to fade andmy heart wasbeating so fast. I feltlike I’ve been caught doing something and I’m guilty!
“Dating?”Bluepointed his index finger at meand Jaeo.
“No.He’s my boss—I mean, ex-boss,” I answered, seemed like he really deserves an explanation.But later on, I realized that I shouldn’t do it because I didn’t do anything wrong, atwala siyang karapatan namakialam sa buhay ko.
“Shut the freaking reasons, Evi. When I said I’ll court you, I mean it,kaya ako lang ang puwedenglumapitsa ’yo. Ako lang ang may karapatan, because you are mine.”Tiningnan niya nang matalim si Jaeo at saka umalis kasama ang mga alipores niya.
Nakakahiya kay Sir Jaeo!Kasalanan’tong pangit na’yon, eh. Naiipon na ang mga kasalanan niya kayahumanda talaga siya!Napakuyom ang mga kamao ko. Tama ba’yong ginawa niyang eksena? Hindi ba niya naisip ang magiging consequences ng mga sinabi niya na halos rinig ng mga tsismoso’t tsimosa naming schoolmates? Baliw ba siya?!
Oo nga pala, nabaliw na nga siya.
I promised myself that I would never fall in love with someone na masama ang ugali. I’m not after the looks and the money. I am after a man with a good heart. Because looks will fade, but a good heart, kung hindi ’yan maaabuso, hindi ’yan magbabago.
Para sa akin, hindi nagbabago ang isang tao dahil gusto niya lang. Nagbabago siya, kasi may nanakit o umabuso sa puso niya. So expect that a person with a soft heart can also turn into a stone,coldhearted one. Bottom-line? Iwasan na ang p*******t ng damdamin ng tao para masaya lang ang buhay.
Going back to ‘I would never fall in love sa masama ang ugali,’ ang point ko lang naman, bukod sa wala akong alam na way para baguhinsiyainto a good person, iniiwasan ko ring masaktan ako hangga’t maaari. Lalo na sa kadahilanang nerd at baduy ako. Nagkalat na nga ang mga pilit akong ibinababa, hahayaan ko pa bang may dumagdag?
Napailing ako sa sinabi ni Blue kanina.He’s really unbelievable. Too impossible.Sa hitsura kong’to? Siya na almost perfect, manliligaw sa akin? Nakakaloko.
Pero, may magkakamali nga kayang mahulog sa ’kin?
Napailing-iling na naman ako para iwaksi ang nasa isip ko. Hay, Eviana! Eighteen ka pa lang problemado ka na sa ganoong bagay!Tigil-tigilan mo na nga! Panira lang talaga ng araw’yong jerk na’yon.
--------
MAY biglaang meeting ang mga professor kaya mahaba na naman ang vacant time namin. Dahil doon, niyaya na lang ako ni Sir Jaeo na pumuntasacampus garden.Ngayon aynakaupokami pareho sa magkatabing swing.
Pareho rin kaming tahimik,tanging mga ibon lang at pagaspasng mga dahon ng mga puno ang naririnig. Hindi naman awkward, pero walang gustong maunang magsalita. Ngunit sa huli, ako na ang bumasag ng katahimikan.
“Sir—”
“Eviana, kung magso-sorry ka, wala lang’yonsa’kin. Just don’t mind it,”sabay ngiti nang malapad sa akin habang patuloy pa rin sa pagduyan.
How can I not fall in love with this man? He’s almost perfect!
“Basta, Sir,sorry po talaga. Makukurot ko talaga mamaya’yong Blue na’yon, Sir. Sorry po talaga.”
“Hindi ako mababaw na tao para dibdibin ang nangyari, Eviana. I’m not that kind of person. Let’s have a coffee sometime, then kilalanin pa natin ang isa’t isa. I wanna know more about you.”
Halos mahimatay ako sa kilig dahil doon.Sh*t!
“By the way,ano’ng course mo, Eviana?”
“B-Business Management, Sir. Ikaw?”nauutal na sagot ko. Kinikilig pa rin kasi ako.
“Dati, Engineering, but then nag-shift ako ng Business Management.”
Tumango-tango naman ako at napangiti. Pareho lang pala kami ng building.Meaning, lagi kaming magkikita.
Lumipas ang ilang minuto na puro lang kami tanungan. Nakarami rin kami ng usapantungkol sa course at mga subject namin. Hanggang sa nag-ring na ang bell at nagpaalam na kami sa isa’t isa.
“Sir, thank you so much for the time and for the good talk. Mauna na po akong umuwi. Nice meetingyou, Sir!”Kinawayan ko pa siya na sinuklian niya ng isang ngiti.
“You’re so cute, Eviana,”sabay halakhak naman.“Sige, bye!”
Agad na akong tumalikod.Baka kasi mahimatay naako sa kilig na nararamdaman.
---------
HABANGnaglalakad, pinagdarasal ko na sana ay madatnan ko pa ang kapatid ko sa parking lot. Alam ko kasing pauwi na rin siya at mas mabutingsumabay ako sa kanyakaysa mag-taxi pauwi.
Nakasanayan na namin ni Irvin na ako ang nagda-drive kapag papasok ng campus at siya naman ang nagda-drive kapag pauwi. Mas madalas kasi na nauuna siyang lumabas ng room kaysa sa akin at ayaw niyang naghihintay. Kaya bago kami maghiwalay at magpunta sa kanya-kanya naming klase sa umaga, ibinibigay ko na sa kanya ang susi. Magte-text na lang ako sa kanya agad kung sasabay ako o hindi.
Pagdating ko sa parking lot, hinahanap ko agad ang sasakyan ni Irvin. Nang makita ko aytumakbo ako palapit dito. Ilang sandali pa, natanaw kong palapit na rin siya. May kasama siyang babae ngunit bago pa siya tuluyang makalapit sa direksyon ko ay naghiwalay na sila ng daan.
Sino’yong ka-holding hands niya? Aba! Bata pa siya, ah? Hindi por queguwapo siya, eh naggi-girlfriend na!Bad Irvin, bad!
“Hi, Ate!”bati ni Irvin. Pagkatapos, hinalikan niya ako sa pisngi. Such a sweet kiddo.
Nag-hello naman ako at pumasok na sa driver’s seat habang siya,umupo sa passenger seat. Habang nagda-drive, noon ko tinanong kung sino ang babaeng ka-holding hands niya kanina, bagay na pilit niyang iniwasan.
Sana lang mabait siya! ’Pag talagang nalaman ko na pangit ang ugali ng girlfriend niya,naku!
“Ikaw, Ate? May manliligaw ka na pala, ha? At hindi ako na-inform na heartthrob pala ang suitor mo. Wow,”pag-iiba pa niyang usapan.
Sinulyapan ko siya at bumungad sa akin ang mapanuri niyang tingin. Nailang tuloy ako. At gaya ng ginawa niya, hindi ko rin siya sinagot. Hindi rin kasi ako sanay na masabihan na may manliligaw.
-------------
“ATE, ingat ka, ha? Baka masaktan ka. You’re my one and only ate and I don’t want anyone to hurt you,”hirit ni Irvin bago kami makapasok sa bahay. Ngunit tiningnan ko lang siya at hindi na nagsalita pa.
Nadatnan naminsina Mommy at Daddy na nanonood ng TV sa sala. Tiningnan ko ang orasan at nang makita kong maaga pa, agad akong nagtaka. Aba,ang aga nila, ah?Wala ba silang work? Weekday naman ngayon, ah? Nakakapanibago naman.
Nilapitanko na sila sabay kiss sa kanilang mga pisngi. Matapos ang sandaling kumustahan, umakyat na ako sa aking kwarto at nagpalitng damit. Sleveless na puti at simpleng short lang ang isinuot ko. Inalis ko rin ang aking salamin at itinali ang buhok ko.
Napakunot-noo ako nang may maalala. Nasaan nga pala’yong cellphone ko?Parang kanina ko pa’yon hindi nakikita, ah? Agad akong nagkalkal sa bag ko. Sh*t, nandoon pa naman ang lahat ng contact numbers na kailangan ko. Nandoon din ang mga pin, important files, and data para sa tests and reports ko!
Gosh!Sana may mabuting taong magmagandang loob na isauli’yon.
--------
MATAPOS kong maghalungkat sa lahat ng sulok ng aking kwarto, bumaba naman ako para uminom ng gatas. Todo ang pagpipigil ko na magsabi kina Mommy na nawalan ako ng cell phone dahil baka mag-aalala sila. Kaya naman imbes na lumapit sa kanila na nasa sala pa rin, lumiko na ako papunta sa kusina. Pero bago ako tuluyang pumasok ay huminto muna ako sa harap ng malaking salamin at tiningnan ang sarili ko.
Mukha na uli akong tao.
Pagkatimpla ko ng gatas, binitbit ko ang baso at naglakad ako papunta sa music room.Bubuksan ko na sana ang pinto nang may mag-doorbell naman sa labas.
Agad kong pinuntahan’yon nang pakiusapan ako nina Mommy. Binuksan ko ang gate at halos mabuwal ako sa aking nakita.Ano’ng ginagawa niya rito?
“Hi,”bati nito at saka pinadausdos ang kamay niya sa malambot niyang buhok.“Nand’yan ba si Evi?”
Napakunot naman ako ng noo. Hanggang sa naalala ko na lang na wala pala akong salamin at revealing ang suot kong damit.“Bakit? Ano’ng kailangan mo?”
“Nasaan muna siya?Isasauli ko lang’yongcell phone niya. Mukhang nahulog niya yata kanina sa kotse ko,”sabi niya na nagpaaliwalas ng mukha ko.
Yes!
“Nasaan’yong cell phone?”sabay lahad ng kamay ko at ibinigay naman niya agad ito.“Salamat. Makakaalis kana.”Umakma akong tatalikod ngunit natigilan nang mapansin kong hindi pa rin siya umalis. Kaya naman tinaasan ko siya ng kilayat sakapinagsaraduhan na ng gate.
Pagpasok ko ng bahay, dire-diretso lang akong naglakad papunta sa hagdanan. Ngunit agad naman akong pinigilan ni Mommy.“Anak, bakit ka nagmamadali? Dito ka muna. Movie marathon tayo nina Irvin.”Paglingon ko ay tatlo na pala silang nasa salaatkumakain ng popcorn.Tumango-tangoako bilang sagot at nilapitan na sila.
***
LUMALALIM na ang gabi. Heto pa rin kami at nanonood ng Harry Potter series. May balak yata silang tapusin lahat, eh. Pero ako, dinalaw na ako ng antokkaya naman makalipas ang ilang sandali, nagpaalamna akong matutulog na.
Pagpasok ko sa aking kwarto, agad na akong humiga sa kama ko. Bigla namang umilaw ang cell phone ko at nang tingnan ko ito aymay pumasok palang text message.
From: Unknown
Hi, Evi! Good evening. I hope hawak mo na ang phone mo. Mas maganda ka with your bare face being exposed. Good night!
Ang kapal niya, ah?!I hurriedly set his contact name to ‘Mister Feeler’ since I had an idea who sent me the message.Pero teka . . .paano niya nalaman kung saan ako nakatira?!