Chapter Twenty-one Jaeo’s P.O.V. HETO na ang pinakakinatatakutan kong mangyari. Ang malaman ni Clareang isa sa mga malalaking sikreto ko,nahalf brother ko si Blue. Ba’t ba naman kasinadulas ako sa pagtawag sa kanya ng ‘Earone?’ Nag-angat ako ng tingin nang makita ko sa loob ng elevator si Clare na ngayon ay palabas na. Ipinagtanong tanong ko kasi siya at swerte naman na may nakakita sa kanya. Dalawang oras din ang paghahanap ko ng hospital na pinagdalhan sa kanya. Palabas na siya ngayon at papunta siya sa direksyon ko. Akala ko ay papansinin niya ako o tatapunan man lang ng tingin pero nabigla ako nang nilagpasan niya lang ako na parang hangin. “Clare.”Hinawakan ko ang braso niya. Humarap naman siya at tiningnan ako nang masama. “Bitiwan mo nga ako,puwede?”Kumawala siya dahilan para

