Hindi niya inaasahan na magiging tahimik at seryoso muli ang binata habang kasama niya ito sa iisang bubong. Tatlong araw na at napansin niyang naging mailap na naman ito sa kaniya. He still smile but not the usual one. Hindi ito malawak ngumiti at parang may kung ano sa emosyon nito na hindi niya mabasa. "I'm just going in our office. I need to check some files," ani nito sa kaniya at hinalikan siya noo. Bakasyon naman nito pero napansin niyang tumututok na naman sa trabaho. "May problema ba?" marahan na tanong niya rito. "Nothing... I'll be back." Sinundan na lang niya ito ng tingin nang makalabas ng unit. Napaupo siya sa sofa at sinandal ang likuran niya. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga narinig niya sa mall noong gabing 'yon. Nag-ayos na siya ng sarili dahil dad

