Napadilat siya ng mata nang muli siyang magkaroon ng malay. Masakit ang buong katawan niya pati na rin ang ulo niya dahil may boteng tumama sa ulo niya. Hinampas lang naman siya ng isang lalaki para mawalan siya ng malay. Hindi niya alam ang nangyayari pero alam niyang nasa kapahamakan din ang binata. Ang bilis ng pangyayari, lumabas lang siya sa condo para pumunta ng supermarket saglit pero may humarang sa kaniya at dinakip siya. Ang huling natatandaan niya ay hinahabol pa sila ng bodyguard niya. Hindi niya na alam kung ano na ang lagay ng dalawa. Nag-aalala rin siya sa mga ito dahil mukhang hindi basta basta ang mga taong ito. They are in a theatre. Madilim at malamig. May ilaw pero nakatutok lang iyon sa kaniya. Nasa taas siya ng isang malaking aquarium na pag nahulog siya ay tiyak n

