Nag-ayos siya ng sarili at nagsuot ng isang simpleng dress. Ito kasi ang kadalasan na sinusuot niya pag nagsisimba. Nag-spray siya ng pabango sa sarili at nang makontento na ay inayos na niya ang bag na dala. "You ready?" Agad siyang napalingon nang pumasok sa kwarto ang binata. May kausap kasi ito sa cellphone kaya iniwan niya muna sa sala. Wala naman siyang dahilan para makinig dahil alam niyang hindi niya rin maiintindihan dahil tungkol sa trabaho iyon. Napatitig siya rito ng ilang segundo bago tumango. Paano ba naman, napaka-guwapo nito sa puting longsleeve at itim na slack. Nakatupi ang longsleeve nito kaya naman kitang kita niya pa rin ang mga tattoo nito at mga ugat na nag f-flex. She admire how manly Lucifer looks like. Makita mo pa lang ito ay alam mong hindi ka mapapahamak

