"Sigurado ka ba dito Maria?" Tanong sa kaniya ni Camille habang tinutulungan siya mag ayos ng hotel room kung saan siya nag check in ngayon. "Yes." Mabilis na sagot niya sa kaibigan. "Dapat siya ang gumagawa nito- I mean, yes pwede naman ang babae ang mag propose pero, you know! Si Lucifer pa rin ang dapat gumagawa nito." Tumigil siya saglit sa pag a-arrange ng mga red petals sa sahig ng kwarto. Naiintindihan niya ang pinupunto ni Camille pero para sa kaniya ay gusto niyang siya ang mag alok ng kasal sa binata. Yes, 1 year pa lang sila simula ng maging opisyal silang magkasintahan pero gusto niya na ito alukin ng kasal. Madaming nangyari sa buhay niya sa buhay nila. Sino bang mag aakala na may matinding stalker pala siya simula dalaga pa lang siya. To think na nakapasok sa buhay ng

