Avery POV Pagdating namin sa vacation house nina Ice ay lumapit ako kina Amber para kuhanin yung mga paper bag na pinamili namin pero kinuha iyon sa akin ni Ice at siya na ang nagbitbit papasok ng bahay. Kanya kanya na rin sila ng dala sa mga pinamili nila at magkakasunod lang din kaming umakyat sa mga kwarto namin. "Good night guys. Di na ako makakajoin sa drinking session nyo. Next time nalang." Paalam ko sa kanila. "Good night Ms. Avery/good night beshie. Good night Sir Ice." Palam naman nina Amber at Lizzy sa amin. "Good night. Bunso wag kayo masyado mag inom sa bar Fire and the boys will look after you." Bilin naman ni Ice kay Snow. "Don't worry kuya magpapalipas lang kami ng oras sa roof deck mamaya." Sabi naman ni Snow. "Let's go?" Yaya ni Ice sa akin. Hinatid ako ni Ice sa

