Chapter 3

1534 Words
Avery POV "At last after two thousand years we landed safely." Bulalas ni Amber paglapag ng eroplanong sinasakyan namin sa Manila International Airport. It's been fifteen years since i left Philippines and it feels good to be back. "We are finally home Babe." Sabi ko sa kanya. "Yeah, let's go and get our luggage immediately Babe para mabilis tayong makalabas ng Airport, I really want to sleep comfortably in bed." Wika niya. Pagkababa namin ng eroplano at dumiretso na agad kami sa immigration, pagkatapos ay nagtungo sa conveyor para kuhanin ng luggage namin. Mabuti nalang at mabilis namin naclaim ang mga luggage kaya mabilis kaming nakalabas ng airport. Sinalubong kami sa condo na iniregalo sa akin ni Madam Letizia. Pagdating sa condo ay kaagad naman nagbihis si Amber at nahiga sa kwarto niya. Malaki ang condo at may dalawang kwarto. Maluwang rin ang kusina at living room. Modern ang interior at maaliwas ang buong paligid. "Really Amber? Wala kang balak maligo manlang bago matulog? Saka hindi pa tayo kumakain." Sabi ko sa kanya. "Mag order ka nalang ng food babe, antok na talaga ko bukas na ko maliligo. Good night." Aniya at kaagad nga talagang nakatulog. Imbes kase na matulog sa byahe ay panay ang panonood niya ng mga music video na naka save sa laptop niya ng mga favorite niyang k-pop band. Mukang seryoso itong handler/assistant/best friend ko na ito pero may itinatago ring pagkaadict sa k-pop. Hinayaan ko nalang siyang matulog dahil maaga raw niyang pupuntaha yung magiging office at studio niya para sa modeling agency na sisimulan niya dito sa Pilipinas. Kinuha ko ang black hoodie jacket na suot ko kanina at face mask bago lumabas ng condo. May nakita kase akong convinience store sa baba nitong condo tower. Kumuha lang ako ng sandwich at lemon tea. Kumpleto na and in pala ang convinience store na ito may meat and vegetable section na rin kaya kumuha ako ng mga pwede kong lutuin para bukas. Kumuha na rin ako ng fresh eggs loaf bread at bacon. Kaagad ko naman binayaran ang mga napamili ko saka bumalik sa condo unit namin ni Amber. Pagbalik ko sa condo ay kumain muna ako bago maligo. Nailagay ko na rin naman sa fridge ang mga binili ko para sa breakfast namin bukas. Pinatuyo ko lang ang buhok matapos kong maligo at kaagad na ring natulog. Maaga akong nagising kinabukasan para magluto ng breakfast namin ni Amber. Nagluto lang ako ng bacon, bread toast, egg at gumawa ako ng vegetable salad. Gumawa na rin ako ng coffee para sa aming dalawa. Pupuntahan ko na sana sa kwarto si Amber ng makita komitong palabas na ng kwarto at nakaligo na. "Good morning, pupuntahan na sana kita sa kwarto mo para gisingin. Ready na yung breakfast natin." Bati ko sa kanya. "Good morning babe, thank you sa breakfast. Pano ka nakapamili at nakapagluto ng ganito kaaga ano oras ka ba nagising?" Tanong niya. "Kagabi pa ako nakabili ng pang breakfast natin. Bumaba ako para bumili ng mkakain kagabi sa convinience store sa baba. Meron na rin pala silang mga groceries at meat and vegetables doon kaya bumili na rin ako." Sagot ko. "Okay pala dito hindi tayo mahihirapan kung maubusan tayo ng stocks dahil may mabibilan sa baba." Sabi niya. "Tumawag nga pala si madam Letizia kanina, may idedeliver daw na car today at nakapangalan na iyon sayo. Hindi ka raw kase matawagan." Dagdag pa niya. "Naka off Cellphone ko at nakacharge. I'll call her later. Anong iras ang punta mo sa magiging office mo?" Tanong ko habang kumakain kami. "Mga 9:00 am na siguro. Wala ka pa naman schedule magrelax ka muna friday night pa naman yung Ellite fashion show. Ako na muna makikipag usap sa marketing team ng Emerald Hotel para schedule mo sa photo shoot." Wika niya. "Okay. Ano oras uwi mo? We need to buy some personal stuff and stocks later." Sabi ko sa kanya. "Maybe after lunch. We go grocery shopping then let's eat outside. I want to eat at your restaurant." Wika niya. "Okay then sa Emerald mall nalang tayo. Balita ko kumpleto na doon kaya magandang magshopping, may mga restaurant and cafés na rin." Sabi ko. Bago mag 9:00 am ay umalis na ng condo si Amber dahil dumating na yung grab na naibook nya online. Sinimulan ko naman ayusin ang mga gamit sa cabinet dahil di ko na rin naayos kagabi. Inayos ko na rin ang kwarto ko at inopen ang cellphone ko para matawagan si madam Letizia. Alas Dos ng hapon ng tawagan ako ng staff sa front desk ng condominium building dahil may delivery daw para sa akin. Kaya naman nagmamadali kong kinuha ang hoodie ko at bumaba sa lobby bitbit ang mga identity cards ko incase na hanapin iyon. Kaagad akong lumapit sa front desk kung nasaan ang taong naghahanap sa akin. "Good afternoon Miss Garcia, paki sign nalang po itong mga documents. Saka pakireceive na rin po itong delivery slip." Wika niya. "Okay, may mga kailangan pa ba akong ibigay na mga documents for this?" Tanong ko. "Okay na po ma'am, pwede nyo na po icheck yung car nyo. Dito po tayo ma'am." Wika ng babae na nagdeliver ng kotse. Isang white Mercedes-benz C300 iyon. Pagkatapos kong matignan ang kotse ay kaagad naman akong nakipag usap sa mga staff front desk para magrequest ng parking space. "Ma'am, mayroon na pong nakareserve sa inyo na parking space." Wika ng receptionist sa akin. Ibinigay niya sa akin isang card para sa automatic gate parking area ng tower. "Thank you." Pasasalamat ko sa kanya at kaagad ko binalikan ang kotse at nagmaneho patungo sa parking area para hindi makaabala sa ibang dumadaan ang kotse. Nang makarating ako sa parking area ay nkakapagtaka naman na iilan lamang ang maaring pumarada doon. Isang sports car ang naroon na katabi ng nakalaang parking space para sa akin. Apat na unit lang din ang mayroon sa palapag kung nasaan ang unit namin ni Amber kaya naman napaka spacious ng unit namin. Ganun ba ako ka VIP para kay Madam Letizia para ibigay lahat ng ito para sa akin? Napaka swerte ko at siya ang naging Boss ko mula ng sumabak ako sa modeling dahil bukod sa napakahusay nyang humaak ng mga models ay sobrang bait at down to earth niya. Kaagad akong sumakay sa elevator na nandoon para umakyat na sa unit ko. Napansin ko na 28th-29th at roof top lang ang button sa elevator na ito. Mabuti nalang at nasa 28th floor ang unit namin kaya hindi ko na kailangang magpunta sa main lobby kapag pupunta dito sa parking area. Napapaisip tuloy ako kung gaano kamahal yung unit na binili ni Auntie Zia para sa akin at parang VIP ang dating ko dito. Saktong 3:00 pm naman ay dumating na rin si Amber kaya nagmamadali akong gumayak para makapunta na kami sa Mall. Nang maisara ko ang pinto ng unit namin ay hinila ko si Amber sa oinaka dulong elevator kaya nagtataka siya kung bakit doon kami sasakay pababa. "Babe baka para lang ito sa mga VIP bakit dito tayo." Wika niya. Hindi tayo makakapunta kaagad kung saan nakapark yung kotse kung hindi tayo dito sa elevator na ito babe." Nagtataka man ay sumunod nalang sa akin si Amber. "OMG babe, as in para lang sa 28-30th floor ang elevator na ito?" Bulalas ni Amber ng makita na exclusive ang elevator na ito para sa floor kung nasaan kami at sa mga nasa top floor. "We're here." Sabi ko ng tumigil na ang elevator. Pag labas namin ng elevator ag kaagad kong ini-unlock ang koste. "Tagala ba babe. Pati parking area mo pang VIP?" Wika ni Amber. "Nagtataka rin ako babe, dahil sobra sobra na rin yung ibinigay ni madam Letizia para sa akin. Kahit pa hindi na ako magrerenew ng contract sa agency." Sabi ko. "You deserve it naman babe. You work hard for everything you have right now." Wika niya. Nagdrive na ako papuntang mall para maaga kami matapos mamili ng mga kailangan namin. Pagkarating namin sa mall ay kaagad nagpunta muna kami sa supper market para mamili ng mga stocks namin. Namili na rin kami ng mga toiletries at iba pang mga personal na gamit namin. Hindi rin kase kami nag uwi ng marami mula sa Paris dahil masyado nang marami ang mga dala naming gamit. Bumili na rin kami ng mga gamit sa paglalaba dahil hindi naman kami nagpapa laundry ni Amber. Sanay kaming maglaba ng sarili naming mga damit. Pagkatapos namin mabayaran ang aming mga pinamili ay dinanala muna namin ang mga iyon sa sasakyan bago kami magtungo sa restaurant na minana ko kina daddy at mommy. Maganda ang ambience ng lugar, very relaxing at mix filipino-spanish ang interior nito. Maging ang mga pagkain ay Filipino Spanish fusion. Spanish cuisine na may filipino taste. Nag order kami ng beef morcon, cheesy corned beef empanada, Fish Cocido at Chicken Paella. "Babe, grabe ang food dito ang sasarap paano kaya na maintain ng nagmamanage ang lasa ng mga pagkain dito?" Wika ni Amber. "I don't know, babe." Maikling sagot ko. Maya maya ay lumapit sa amin ang Manager nitong restaurant. Dala ang leche flan para sa desert namin ni Amber.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD