Cleia's POV Nasa loob lang ako ng unit ko. Dalawang linggo na akong hindi lumalabas. Sige pa rin ang pagsama nang pakiramdam ko. Ayaw Kong lumabas hindi dahil ayaw kung mag pakita kay Leon (oh, miss ko na ito)kung hindi dahil ayaw Kong makakita nang liwanag. Sarado ang buong unit. Madilim na madilim sa loob. Hindi ko alam kung bakit, siguro dala ito ng paglilihi tulad nga ng sabi ng Doctor. Naglalakad ako papuntang kusina kahit madilim memoryado ko ang loob nito, sabagay maliit lang Naman ito. Pagdating ko kumuha ako ng mangga na hiniling Kong pambili at ipahatid kay Susie. Si Susie ay naging matalik kong kaibigan. Binalatan ko ang mangga at inilagay sa maliit na plato at ni lagyan nang ketchup. Nakasalampak ako sa sahig sa may sala habang kumakain nang biglang bumukas ang pinto. Ini

