Ivory Aurelia Valencia
LIKE WHAT GLENN said, I was left alone inside my condo like a prisoner. Nakaupo ako sa couch, patay ang mga ilaw at tanging screen ng TV ang nakabukas na siyang nagbibigay ilaw sa sala. I got my iPad under the table and searched for Henry and Nadya’s names. Lumabas ang napakaraming video na interview sa kanila.
I saw Nadya on the screen kaya binuksan ko yun. She’s interviewed while in the launch of a commercial.
“We first talk about it naman. At nagkainitan siguro dahil pareho kaming pagod. I will be honest that I confronted Ivory first. I was the one who approached her. Gusto ko lang malaman kung may relasyon ba sila. Kaya ko ginawa yun.” Ang mukha niya at lumungkot at pilit na ngumiti.
Malaking tulong na mapaniwala ang mga tao dahil sa mukha ni Nadya, she has always been looking pure and innocent. Fragile and soft-spoken. Pero siguro isa sa mga nakapasama sa imahe ko dahil impulsive ako, dahil diretsa at walang preno.
“Did you hurt her?” the reporter asked.
“Of course not. I will never do that,” marahan niyang sambit. Mariin na tinanggi ang bagay na yun.
“Did she… hurt you?”
Nadya smiled and bowed her head like she was traumatized by something that wasn’t even real. Huminga siya ng malalim at binigay na ang mic sa ibang artist na kasama niya. Isang kasama niya roon ay hinagod pa siya sa likod. Doon natapos ang interview sa kanya.
Pagak akong natawa habang pinagmamasdan ang nagpapaawa niyang mukha. Alam niya una pa lang. Alam niya na nanliligaw si Henry sa akin. She even helped us to date secretly. Kung may sinungaling man dito ay silang dalawa yun!
Sunod kong pinindot ay ang video ni Henry. Nakita ko kung paano siya pagkaguluhan ng mga media. Seryoso lamang ang mukha niya at may kaonting ngiti sa labi. He seems fine and has had enough good sleep.
“What can you say about Ivory’s statement? She said that Nadya harassed her and you two have a secret relationship.”
Henry chuckled a bit like that was the biggest joke he ever heard.
“First of all, I don’t know anything about the parking lot incident. Wala ako roon. Nagkausap kami ni Nadya at hindi niya tinanggi na nagkaroon sila ng argumento nitong si Ivory…” he laughed a bit again. Napayukom ako ng kamao sa paraan nang pagbanggit niya ng pangalan ko na tila wala kaming pinagsamahan. “Kilala ko si Nadya. She is a nice and soft lady, hindi siya mananakit. Hindi niya kayang gawin yun.”
“How about your relationship with Ivory Valencia? Totoo ba yun?” The reporter automatically asked kahit hindi pa tapos sa pagpapaliwanag si Henry. Na tila ba para sa kanila ay ang pinakamahalaga ay malaman ang tungkol sa amin. They acted like siding with Nadya, believing that the girl could not harm me.
“I will deny it. Hindi kailanman kami nagkaroon ng relasyon. Magkaibigan kami ngunit hindi ganun kalapit. Matagal ng kami ni Nadya, we don’t want people to be associated with our relationship so kept it private. Kaya hindi ko malaman kung bakit pa ako papasok sa relasyon kung may nobya na ako. I will never cheat on Nadya para sa babaeng kakikilala ko lang.” he laughed again in disbelief. “Never.”
My lips trembled in anger. Gusto kong pagsusuntukin sa mukha si Henry. Gusto ko siyang saktan. Pero sa loob-loob ko, mas may higit pa sa galit akong nararamdaman. It was the feeling of being betrayed by someone you’ve trusted and offered your life solely to him. Masakit dahil mahal ko siya.
Pinatay ko ang screen at nilagay yun sa aking tabi. I hugged my knees and buried my face on it while crying uncontrollably.
Of course. Henry will protect Nadya. Matagal na silang magkaibigan. Sino ako para ipagtanggol niya? I’m not even recognized as a model or artist.
PUMASOK SI Cora at Glenn sa loob ng condo ko. Agad kong napansin ang pagtakip ng ilong ni Cora nang malapitan ang box na kulay itim at makita ang laman nun. Glenn swiped his palm in the air because of the stinking smell. Mabilis kinuha ni Glenn yun at nilagay sa trash bag.
“Bakit kailangan mo namang ipasok yan dito, Ivory?” Cora questioned me as she took the spray. “Ang kalat na nga ng condo mo, amoy bulok pa ang loob.”
“So you could see it. Hindi na ito tama! Anong nagawa kong mali sa idol nila para ganito ang gawin nila sa akin?” I cried and sat on the couch.
“Bulok na palaka na… bukas yung katawan,” Glenn said in disgust tsaka ako nilapitan. “Because they are a fan. At hindi nila alam ang totoo, Ivory. Ang alam nila ay tama sila. Na nasa kanila ang katotohanan.”
“I guess even if they know the truth, they will still side for what they believed,” Cora muttered and faked a smile.
Hindi nakaimik si Glenn, while Cora roamed herself around and opened my fridge. Pinapanuod ko lamang siya sa ginagawa nito habang si Glenn ay abala sa pag-order ng pagkain namin sa kanyang cellphone. Cora looks so pure, innocent, and pretty. Hindi kami ganun kalapit ngunit siya ang bukod tanging kaibigan ko na artist under Glenn, we are both managed by Glenn. Mas matagal lang ako sa kanya dito sa career namin. Isang dahilan na rin kung bakit kami nagkakasundo ay pareho ang estado namin sa career. Hindi masyadong nabibigyan ng spotlight, but here she is now, kabilang sa Shine Group kung saan kilala at hinahangaan na ng maraming tao. But again, she is always the shadow of her members.
“Mas matagal kana sa industriya kaysa sa akin, Ivory. Hindi ko kailanman inisip na masasangkot ka sa ganitong malaking eskandalo…” she mumbled and took the fresh juice inside the fridge. Dala-dala niya yun nang lumapit sa akin. “Although, I know you’re a troublemaker. But this is not just a simple trouble. This is a scandal.”
Tipid niya akong nginitian nang makaupo sa tabi ko.
“Hindi naman ito malaking eskandalo. Kilalang mga tao lang ang binangga ni Ivory kaya naging isang malaking usapan sa lahat ng media. If Nadya and Henry aren’t that famous or well-known, walang pakialam ang mga tao rito. But they are the hottest on-screen partner,” paliwanag ni Glenn kaya napairap ako.
“Glenn! It’s been almost three weeks. Hindi pa humuhupa ang pangha-harrass na ginagawa sa akin ng mga fans ni Henry! Ano? I will be stuck here in my condo forever?” reklamo ko. “I want to go out!”
“Just a minute, Ivory.” He put his index finger in the air to stop me from talking. Abala pa rin sa kanyang cellphone at ilang segundo lang ay nag-ring ito at agad sinagot ang tawag. “Yes, Hello, Mr. Castro.”
Napairap ako nang marinig ang pangalan ng CEO ng agency namin ni Cora. I even saw her smile fade and just focus drinking on her juice.
“Yun nga ang plano ko. Naroon din si Sue kaya may makakasama kahit papaano si Ivory.” Napalingon ako roon nang marinig ang pangalan ng spoiled brat na nagsisimula pa lang sa pagmomodelo. Hindi iyun hawak ni Glenn ngunit nasa iisang agency lamang kami. She is Suelyn who is known because of her family’s power, wealth, and influence all over the world. Hindi naman sikat pero sobrang yaman kaya laging napag-uusapan. Ina ay dating sikat na artista habang ang ama ay politician. “Cora also suggested that to me. Cora is a bit familiar with the place because she performed there in the past… It’s a good idea, Mr. Castro. She needs peace of mind to think about this chaotic situation.”
I shifted my looked at Cora who smiled at me sweetly.
“Oh no! You’re not going to throw me guys… Aren’t you?” kabado akong tumawa habang palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Binaba na ni Glenn ang tawag at lumapit sa akin. Umupo sa harapan namin ni Cora at seryoso ang mukha na para bang hindi ito ang oras na makipagbiruan. Damn! Hindi rin ako nakikipagbiruan.
“You probably know Sue, right? Naipakilala ko na siya noon sayo. Mabait na bata yun—“
“Spoiled brat at para bang lahat ng tao na nakakasalamuha niya ay kaya niyang bilhin!”
Cora pouted and nodded her head, agreeing with my statement. See?!
“Well, that’s a fact, Ivory. Hindi natin maitatanggi lalo na at maimpluwensya ang pamilya niya. Makakasundo mo si Sue, matalas lang ang dila pero marunong yun makisama at kapag sinabi kong bantayan ka, gagawin niya yun. Anak-anakan ko na rin yun si Sue,” mahabang paliwanag niya pero inirapan ko lang siya nang harap-harapan.
“So? Saan niyo ako itatapon?”
“Hindi ka naman itatapon ni Mr. Glenn, Ivory.” Hinawakan ni Cora ang palad ko na nasa ibabaw ng hita ko. “You’re stressed and working so hard without giving yourself a chance to enjoy being alone in silence.”
“In silence?” Tinaasan ko siya ng isang kilay.
“Sometimes, Ivory… We learned a lot of things about ourselves in silence,” Cora said seriously. “Masyado ng maingay dito. Hindi mo na naririnig ang sarili mo sa ingay na nanggagaling sa mga tao sa paligid mo. Minsan ang ingay ang nagiging dahilan kung bakit tayo nawawala sa tamang daan.” The way she said it seems like she can relate to my situation. Showing so much empathy.
“Are you familiar with the Poblacion Catalina?” pagsingit ni Glenn kaya napabaling ako sa kanya. “Sue grows up in that little town. Parehong probinsya sila na kinabibilangan ni Cora. But Cora is not living in Poblacion Catalina, ibang karatig bayan lang…”
“Please, Glenn. Ano ba talaga ang plano niyo ni Mr. Castro?” I asked impatiently.
“There is this called Marahuyo Island, it is a private and exclusive island… only for wealthy and influential people who can afford this. Sa sobrang pribado ay hindi lahat ay basta-basta nakakapasok.”
“Nakapunta na ako roon noon, noong hindi pa sila ganun kasikat sa mga dayo. I performed there, it is really exclusive,” Cora nodding her head.
“Doon ka muna pansamantala. Si Mr. Castro na ang bahala sa lahat ng gastusin mo. Ang mahalaga ay makapagpahinga ka. Malayo sa mga tao rito na parang bubuyog kung sumugod sayo at—“
“I’m not doing anything here in my condo but to sleep on my bed for the whole day. Hindi pa ba sapat na pahinga yun?”
Pagod na bumuntong hininga si Glenn at pinagsiklop ang dalawang palad niya.
“I’m pertaining about your mind, Ivory. Nakakapagpahinga pa ba yan?” natigilan ako roon at biglang sumikip ang dibdib ko. “Lagi kang nakatutok sa cellphone, iPad, at TV mo. Sabihin mo sa akin, nakakapagpahinga ba ang isip mo sa lahat ng nangyayaring gulong ito sa career mo?”
I bowed my head a little bit and pain crept into my system.
“And we can’t deny the possibility that because of this controversy… your career may be over anytime.”
Napalunok ako at bumigat ang pagina. My eyes became blurry so all I could do was look away and restrain any tear from dropping on my cheeks.