Aurelia Ivory Valencia BUMAGAL ANG patakbo ng sasakyan nung pumula ang traffic light. Napatitig ako sa mga sasakyan na nakahinto tsaka narinig ang pagbuntong hininga ni Mathias kaya ko siya binalingan muli. He was silent since I went inside, nasa daan lang ang tingin niya at tila ba seryoso sa pagmamaneho kaya hindi ko naman magawang magsalita. “I don’t mind if you want my help to bring him back to the Dons,” pagsisimula ko. I know this is not the right time to talk about this. Pero dahil nagkita sila at nagkausap pa ay tingin ko dapat din na pag-usapan namin ito. Sinulyapan ako ni Mathias at mabilis na bumaling sa daan. He rested his elbow on the side of the window and gently brushed his lips with his fingers. Malamig ang titig niya sa daan. “I won’t do that. Mamatay siya pero hindi a

