ENCHANTED FALLS

2120 Words
Aurelia Ivory Valencia Binaba ko ang purse ko sa ilalim ng puno at muling tinignan ang map na dala ko. I planned to tour around. Maayos naman nung una, nakapunta pa nga ako ng cottage at clubhouse. I even ordered some food there and dined in. Ngunit sa pag-iikot ko dahil balak kong puntahan ang sinabi ni Sue na falls ay mukhang naliligaw na ako. “I can’t believe this small province has a huge, isolated island. Talagang maliligaw ako sa unang araw ko pa lang dito?” I said to myself and lifted my head to look around. I don’t see any cottage. Only trees around me, everywhere. I was alone in my golf cart, there was a trail that would really prevent people from losing the way. Ngunit ang ginawa ko ay bumaba ako para sundan ang daan na sa enchanted falls, naglakad ako dahil hindi rin naman maaaaring maipasok ang golf cart sa kipot ng daan. But I think I lost track of my way. “s**t!” malutong kong mura sa sarili nang mapansin na anumang oras ay malapit na ang sunset. It means, maaari akong gabihin dito sa gubat. I don’t have anything with me. Only my phone is inside my purse. Muli kong tinignan ang mamahalin kong relo at alas tres y media na ng hapon. I still have time to go out of this forest and find my golf cart. Maglalakad ako! Kung bakit ba naman kasi walang signal dito. SA GITNA NG aking paglalakad ay nakarinig ako ng agos ng tubig. I suddenly stopped and realized that it was a river. Sinundan ko ang tunog na yun dahil mukhang malapit na ako sa Enchanted Falls na sinabi ni Sue. Ibig sabihin ay malayo pa ako sa trail kung nasaan ang golf cart ko. “What the!” Huminto ako nang makarating sa falls at dahan-dahan na napatingala. Sobrang taas nito at ang ganda. It really is enchanted and mesmerizing. The sound of the water falling gave goosebumps down my body, it sounds serene and peaceful, making me shiver by its beauty. “Ang gandaaaa.” Bigla akong nawala sa pag-iisip na ako ay naliligaw. Bagkus ay lumapit pa sa naglalakihang bato para mas matignan ng maayos ang falls. I took multiple pictures and enjoyed for a bit before decided to leave. Ngunit nang balikan ko ang mapa ko ay wala na ito roon. Halos manghina ang tuhod kong napaupo ako sa malaking bato. “I’m sure I put it here,” bulong ko sa sarili at napagtanto na maaaring tinangay na ito ng hangin. “Oh no, Ivory. Ang tanga-tanga mo talaga!” Napahilamos ako at hindi na alam ang gagawin. I roamed my eyes around. Kailangan ko na bang magsimulang maglakad? Ngunit anong magiging guide ko para mahanap ulit yung trail kung nasaan yung golf cart ko? I stood up and finally decided to take a walk wherever my feet took me. But I was horrified when I heard the sound of splashing on the water. Tila ba may nabagsak na malaki o mabigat na bagay sa tubig. Namilog ang mga mata kong hinahanap ang tunog na iyun. My heart is racing fast and loud. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa ilog. I gasped and was taken aback when a man came out under the water, tanging likod lang ang nakita ko dahil nakaharap siya sa mataas na falls na bumabagsak malapit sa kanya. Dahil sa pagsinghap ko ay napalingon siya at nagtama ang mga mata namin. My eyes slowly trailed down to his naked chest. He doesn’t have clothes on! Hindi ko man nakikita ng buo ang dibdib niya, ngunit alam ko na kung gaano kakisig at kaganda ang katawan nito. “I’m lost!” mabilis kong paalam sa kanya. Kahit papaano ay nawala ang kaba at takot ko na maaaring masamang tao ito. He seems harmless, but his gaze is intense and cold. Just like the waterfalls in front of me. Hindi ko alam kung yun agad ang sinabi ko, I was a bit demanding in my tone. Tila ba may paliwanag agad sa pagkakadakip niya sa akin mula sa pagtingin sa kanya. He took a deep sigh and slowly walked closer to me. Sa unti-unti niyang pag-ahon sa tubig ay doon ko napagtanto na walang siyang saplot pang-itaas. It was not new to me, I’ve been almost with half-naked models. Ngunit bigla akong nakaramdam ng ilang, dahil ba maganda ang katawan niya? He is like a Hollywood model. Mas maganda ang katawan higit pa sa mga batang modelo na kasama ko sa industriya. Or maybe his aura? He is intimidating, he looks like the owner of the place, he looks like anything he sees, he can possessed. Owned and claimed. O marahil kaming dalawa lang ang nandito. Parehong hindi namin kilala ang isa’t isa. Malamig ang paligid galing sa falls at mga naglalakihang puno. The water on his gorgeous hair is slowly dropping on his pointed nose and red lips. He stopped just in front of me, ang kaba sa dibdib ko ay hindi ko maipaliwanag. Because I’m lost, idagdag mo pa ang estranghero na ito kung saan nasa gitna kami ng gubat. “I’m lost. I was just touring around—“ “Kung ganun nasaan ang tour guide mo?” he asked suspiciously. Napataas ako ng dalawang kilay doon. Bakit yata may paniningkit sa kanyang mga mata. He scanned me thoroughly which made my eyes grow bigger. I’m wearing shorts and a black crop top, pinatungan ko ng dress na see-through na kulay puti na nilalampasan na ang suot kong short. “Bakit? Hindi ba ako powering lumibot mag-isa?” I put both hands on my waist. Confident and holding my chin up. “Hindi. Dahil ang dayuhan na pupunta rito ay dapat may kasamang tour guide. Hindi maaaring mag-isa lamang o wala ang tour guide dahil talagang maliligaw ka.” Napatikom ako ng bibig, hindi ko alam yun. Well, at least I know now. “Lead me the way. I have to go to my villa, may lakad pa ako. Hindi ako puweding maabutan dito ng dilim.” I crossed my arms at him. He sarcastically shook his head and smirked. “Hindi ako tauhan dito. Hindi ako empleyado ng kung anumang tinutuluyan mo.” His jaw moved showing its power and firmness. “Sino ka para utuasan ako?” “I’m Ivory Aurelia Valencia,” mayabang kong pagpapakilala sa kanya. “Hindi kita kilala. At dapat lamang na hindi basta-basta sumasama sa mga taong hindi mo kilala, lalo pa at lalaki.” Makahulugan niya akong tinignan. “I’m lost. I am a tourist here. What do I know about this place?” I trailed and looked around again when his stares were becoming accustomed to me. He looks comfortable looking at people he just met. “And you think I will really allow you to hurt me?” nagpakawala ako ng mapanuyang tawa. His lips twisted in amusement. “Paano ka nakarating dito? May dala ka bang sasakyan?” “Yes. The golf cart. But, I don’t know where to find the trail.” Napanguso ako at mas lalong umangat ang gilid ng labi nito sa pagngisi. Marahan siyang tumango at muli kong pinansin ang kanyang katawan. He is wet and the sun is almost out of the sky. Malamig na ang simoy ng hangin lalo na at nasa gitna kami ng gubat. Ako na ang nilalamig para sa kanya, but to see him standing firm and strong, mukhang sanay na siya sa lamig. “Sasamahan kita. Igigilid ko lang yung mga kahoy na dala ko. Hanggang sa golf cart mo lamang kita puweding ihatid,” paalam niya bago ako talikuran at umahon sa tubig. Sinundan ko agad siya ng tingin upang makumpirma kung tama nga ba ang narinig ko. Kahoy? Nagbubuhat siya ng kahoy? Para saan ang kahoy? Does he cut trees here in the forest? Anong ginagawa niya sa kahoy? Ginagawang bahay? Nakita ko ang kahoy na hindi naman ganun kalakihan, they are round and just half the length of my body. Mukhang mabigat. Ginilid niya yun at tinakpan ng dahon, when he is satisfied, bumalik na siya sa gawi ako. Agad akong umiwas ng tingin at inabala ang sarili sa ibang bagay. “Tara.” Nauna siyang naglakad at sumunod naman ako agad. “I’m Ivory Aurelia Valencia. Nagbabakasyon ako, this is actually my first day staying here in Marahuyo Island.” Hindi ko makita ang mukha niya kaya pilit akong lumalapit dito nang bigla niyang ilabas ang malaking itak nito na siyang nagpatigas sa kinatatayuan ko. He turned to glance at me, umangat ang gilid ng labi nito matapos makita ang reaksyon ko. Until he started cutting the trunks that were blocking our way. Bigla akong kinabahan doon, ang kalabog ng dibdib ko ay hindi na mabiling sa sobrang bilis. Nakakabingi na rin sa sobrang lakas. He looks like wearing a mock on his lips for what I’ve said earlier na gusto ko na lamang bawiin. “Hindi ka dapat agad-agad nagtitiwala,” he mumbled and continued walking. “Masyadong mapanlinlang ang tao.” I sighed heavily, still feeling the burden in my heart. Hindi lang dahil sa nakaraan ko bagkus sa pagkakagulat pa rin kanina. Halos mamutla ako sa pagkagulat. “Palakaibigan ka ba kahit sa hindi mo kakilala?” seryoso ang boses niya. There is a danger in his voice, like warning me. “Hindi mo ba naisip na ang paglalakad rito mag-isa sa gubat ay maaaring magpahamak sayo? At ang paglapit sa hindi mo kilalang lalaki.” “Excuse me, as if I have a choice. Naliligaw nga ako diba?” My mood shifted and I suddenly became annoyed by that question. Napairap ako sa hangin. Tingin niya ba kung may choice akong hingian ng tulong ay lalapitan ko siya agad? “Sinasabi mo ba na ipapahamak mo ako?” “Sinasabi ko lamang na huwag kang magtitiwala agad-agad.” May naalala ako bigla sa sinabi niya. Right! Why is it easy for me to trust people? Lalo na pagdating sa mga lalaki? “I don’t have a choice,” I mumbled which made him look at me. Muling nagtama ang mga mata namin at tumagal iyun. Hindi ko alam kung bakit, but he didn’t leave his gaze on me. “I’m tired.” Biglang lumabas sa bibig ko kahit sa totoo lang ay gusto ko nang makarating kami sa golf cart ko. Pero pagod na pagod na ako. “Hindi pa tayo nakakalahati. Pagod kana agad?” “Kanina pa ako naglalakad, paikot ikot dito. Magpahinga muna tayo.” Umupo ako sa ugat ng malaking puno. Nakita kong binalik niya ang itak sa lagayan nun na nakapulupot sa kanyang baywang. I want to laugh at him for looking ridiculously handsome. “Isa ka ba sa mga trabahador dito sa Isla? Most of the people here are employees or tourists. Alin ka sa dalawa roon?” tanong ko pa rin kahit obvious naman sa kanyang pananamit at mga gamit na dala kung ano siya rito. Huminga siya ng malalim at umupo, hindi sa tabi ko bagkus ay sa harapan. Dahil doon ay mas nagtatama ng ilang beses ang mga mata namin. “Nagtatrabaho ako sa farm. Minsan sa villa, nagde-deliver ako ng mga prutas para sa mga dayuhan.” Wow! So… he is a what? Farmer? “That’s nice…” tanging nasabi ko ngunit labas naman sa ilong at walang kainteres interest. I can clearly see it on his clothes, madumi ang damit nito at ang jeans ay may mga putik. No wonder he works on the farm. Hindi na rin naman nakakagulat sa pananamit at galaw niya, halatang trabahador dito. “Mag-isa ka lang?” he uttered hoarsely. “Paano mo naman nasabi na mag-isa ako?” He dramatically looked around looking for someone. “Wala akong nakikitang kasama mo.” Natawa ako sa sinabi niya at napailing. When I lifted my head to look at him, I caught him staring at me with a restraining half-smile on his lips na agad ring nawala at naging seryoso. He puckered his lips which made him even look hotter. Is this even normal to feel so attracted to this man kahit hindi ko pa siya ganun kakilala? Paano ako naa-attract sa lalaking may dalang itak, suot ay madumi, at putikan ang jeans? Seriously, Ivory?! You’re crazy. Baga naengkanto kana sa falls? Ridiculous! Probably you’re just lonely and… broken. Pero hindi ko rin naman maipagkakaila ang kakisigan na dala nito. Ganda ng katawan at mga tingin na tila maraming misteryong nakatago. He noticed that I stared at him for too long, kung kaya naman ay maarte akong umiwas ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD