"ANO SA tingin mo? Magugustuhan ba niya talaga? You know i want it to be perfect." tumingin ito sa matanda na hinihintay ang komento niya. Tumango ito ng tipid at minasdan ng kabuuan ang silid. "Kung ako, hahayaan kong walang laman ang kwarto niya." kumunot naman ng kaunti ang noo ng ginoo. "Why?" he asked. "Dahil mas maganda kapag siya ang nag ayos sa kaniyang kwarto. Hindi mo naman alam kung ano ang panlasa niya sa mga gan'to. You know what i mean alfonso." sagot ng matanda. Nanliit ang tingin ni alfonso at nag isip ng maigi. Hinilot niya ang baba nito. "I think you're right. Okay, tanggalin niyo lahat ng mga gamit dito sa kwarto. Hahayaan ko ang anak ko ang mag plano dito." Habang nilalabas na ng mga katulong ang gamit ay pumasok ang tauhan ni alfonso dala ang nakakagulat na bali

