ILANG ARAW ang nakalipas ay dumating na ang araw ng kaarawan ni angel. Nasa loob ito ng kaniyang kwarto at nire-retouch ng make up artist at ang isa naman ay inaayusan ng hair dresser. Ang mukha ng dalaga ay tensyonado, halatang hindi handa. Biglang dumating ang ama niya na si alfonso at kinausap ang anak. Pumunta ito sa likod ni angel at tumingin sakaniya mula sa malaking salamin. "Handa ka na?" mahinhin na tanong ng ama. Matagal sumagot si angel at parang hindi komportable. "P-papa. Pwede bang huwag mo nalang ako ipakilala sa maraming tao? Kinakabahan ako eh at hindi rin ako sanay." pakiusap niya. Alfonso giggled and put his two hands on her shoulder to make her calm. "Everything will be fine. Besides i'm here, and Arcus is here." he widely smiled with full of happiness and excitment

