"HINDI ko talaga inaakala makakabili ng ganoon kaganda at kakinis na babae si sir lucifer. Akalain mo, nabili siya sa sobrang laking halaga." wika ng isang katulong habang nagsasampay ng kumot.
Kita mula doon ang balkonahe sa labas ng kwarto ni lucifer kung saan ang labahan ng mga katulong.
"Saan mo naman nasagap ang balitang 'yan?" tanong ng kasama niyang katulong din sa mansiyon.
"Dinig ko sa mga tauhan ni sir lucifer. At ang maalala ko kalahating billion daw ang halaga niya" pagmamalaki niya sa nasagap na balita.
"Ganoon nalang talaga itapon ni sir lucifer 'yong mga pera niya noh? Haaay. Sayang iyong ibang babaeng binili at inuwi niya dito. Hindi magtatagal, baka susunod na rin siya na mapunta doon sa tambakan ng bangkay." sumang-ayon ang kasama niya.
"Tama ka, siguraduhin niyang hindi siya makikita ni sir lucifer kapag nag ibang anyo ito. Sabihan kaya natin siya para naman malaman niya?" tanong ng katulong na may halong pag-alala. Sinikuan lang siya ng kasama niya at sumenyas ng huwag itong sasabihin sa dalaga.
"Masiyado kayong mga tsismosa." mabilis silang lumingon sa likod ang dalawa nang biglang sumulpot si lola cruzita.
"Madam cruzita. Kayo po pala."
"Ayokong lumaki at lumala 'yang napulot niyong balita. Huwag niyong hintayin na makaabot kay lucifero ito. At baka kayo ang maisunod niya sa tambakan ng bangkay." pananakot ng matanda na may halong paninita. Tila natakot naman ang dalawa at mabilis silang tumango.
"Madam cruzita, narinig ko din po Foster ang apilyedo niya. Hindi kaya siya-" hindi natapos nagsalita ang katulong at agad sumabat si lola cruzita.
"Huwag na huwag kang magkakamaling mabanggit ang apilyedong 'yan dito sa bahay! Tapusin niyo nang maglaba at magpupunas pa kayo sa pasyo!" inis na bulong ng matanda. Napansin ng tatlo na lumabas si angel ng mansion at parang may pupuntahan ito.
ILANG buwan na ang nakakalipas nang mabili siya ni lucifer. Walang nagbago sa kalakaran niya sa mansiyon. Kain, tulog, magbasa ng libro at kung ano pa ang pwede niyang gawin para lang siya ay maaliw.
Kasalukuyang nagtatambay ang dalaga sa balkonahe sa labas ng kwarto nila ni lucifer at sinusubukan niyang mag-relax. Nakatitig siya sa isang lugar na di kalayuan sa mansiyon ni lucifer ang mga natuyo o namatay na halaman at bulaklak.
Hindi mapakali ang dalaga at talagang kuryoso ito sa kung ano mang merong nababalot na misteryoso sa lugar na 'yon. Matagal na niya itong napapansin pero ngayon lang siya nakaramdam na may umuudyok sa kaniyang puntahan ito.
"Ano kaya ang meron doon?" tanong ng dalaga sa kaniyang sarili.
Hindi nagtagal, bumamaba siya at lumabas ng masiyon para puntahan ang lugar na 'yon.
Nang marating niya ito ay lumingon at sumulyap pa siya kung may nakasunod sa kaniya papunta roon. At nang wala namang nakasunod ay pumasok siya sa nakaharang na maliit na pintuan. Kahit may nakalagay na salitang "KEEP OUT" ay tumuloy pa rin ang dalagang pasukin 'yon.
Pagpasok niya sa loob ay bumungad agad ang mga kalansay sa harapan niya at nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan.
Mga ilang hakbang lang mula sa pwesto ni angel ay may na aagnas nang bangkay, na ilang araw na sigurong patay.
Nilibot pa niya ang kaniyang tingin sa lugar at may nakita siyang kalansay ng mga babae kaya agad siyang napaatras at nataranta.
Bigla siyang nagulat nang may humawak ng kamay niya at agad hinila palabas.
"Paano mo nalaman dito?! At sinong nagsabi sa'yo na pumasok ka ng basta-basta sa lugar na'to?!" tanong ni lola cruzita sa dalaga.
"N-na kuryoso ako kaya pumunta ako dito. Akala ko po hardin lang na hindi na alagaan." sagot ni angel. Suminghal ang matanda at hinila pa rin niya ang kamay ni angel papalayo sa lugar na 'yon.
"Huwag ka nang babalik doon angel. Binabalaan na kita." pagbabanta ng matanda.
"Lola, si lucifer ba ang pumatay sa mga 'yon?" kuryosong tanong ni angel, kaya napatigil ang matanda sa paglalakad kasabay ng dalaga.
Matiim na tumingin ang matanda sa kaniya, pero hindi ito nagsalita. Naintindihan agad ni angel ang pinapahiwatig nito kaya bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Umulit ulit na nagtanong si angel sa kaniya.
"May mga bangkay na babae akong nakita, p-pati rin po ba sila? S-siya ang gumawa?" natatakot niyang tanong. Huminga ng malalim ang matanda at dahan dahan niyang itinango ang ulo kay angel.
Umawang ang labi ng dalaga sa gulat at hindi makapaniwalang kayang gawin ni lucifer ang pumatay lalo na ang mga babae.
"Hija, lahat ng nasa mansiyon hindi makapaniwalang buhay ka pa hanggang ngayon." ani ng matanda at kumunot naman ang noo ni angel kaya napatanong ito.
"Anong pong ibig niyong sabihin?"
"Hula ng karamihan, wala pang isang linggo o buwan isa ka na sa malamig na bangkay na nakatmbak doon. Pero tatlong buwan ka na dito kaya hindi namin aakalaing magtatagal ka sa mansiyon na 'to." hinawakan ni lola cruzita ang mga malamig at nanginginig na kamay ng dalaga at seryosong tumingin sa kaniyang mata. "Ngayong nagtagal ka, babalaan na kita. Huwag kang magpapakita sa kaniya kapag sumapit ang kabilugan ng buwan. Ipangako mo sa akin iyan anak ko. Napamahal ka na sa akin at para na rin kitang tunay na anak. Ayokong matulad ka sa mga babaeng inuwi at binili niya. Ayaw kitang mapahamak kay lucifero."
Idinaan ng matanda ang kamay niya sa pisngi ng dalaga at hinagod ang hinlalaki nito sa ilalim ng mata ni angel. Nilapat din ng dalaga ang kamay niya sa kamay ng matanda at tumango. "Pangako ko po."
Nang makarating sila sa mansiyon na walang nakapansin na tauhan ni lucifero ay dumeretso agad si angel sa kaniyang kwarto. Hindi mapakali, pabalik-balik siyang naglalakad sa kwarto habang nilalaro ang mga daliri nito.
"Dumating na si Sir Lucifer!" isang sigaw galing sa labas ng kaniyang kwarto. Tumingin si angel sa pintuan nang binuksan ito ng isang tauhan niya.
Sakto naman na nakatayo sa harapan ng pintuan si angel kaya nagsalubong ang tingin ng dalawa. Lihim na napalunok ang dalaga dahil iba ang awra ng binata sakaniya.
Malalaking hakbang ang nilakad ni lucifer papunta kay angel. Tinanggal niya ang necktie nito at hinubad ang puting polo.
Agad na yinakap ni lucifer ang likod ng balakang ni angel at ang isang kamay niya ay idinaan sa likod ng leeg ng dalaga.
"Mmph..." ungol ng dalaga habang inaangkin ng dila ni lucifer ang loob ng bunganga ni angel.
Kayang sumbatan o bastusin ni angel si lucifer. Ngunit pagdating sa pangangailangan ng kaligayahan ay hindi ito maikakait ng dalaga na talong-talo siya sa lakas ng binata.
Habang hinahalikan ni lucifer na puno ng pagnanasa ang mga labi ni angel ay umabot sila sa kama. Hiniga si angel at niyapos ang mayaman niyang dibdib.
Pinutol ng dalaga ang halik sa kaniya "L-lucifer s-saglit lang..." pagpipigil ni angel pero hindi ito nakinig.
"I need it right now. Don't ever refuse. Dahil ikaw rin ang mahihirapan." wika ng binata na sabik sa bawat halik niya kay angel.
Umiyak si angel, dahil wala na naman siyang nagawa kun'di sumunod nalang kay lucifer. Pinunit ng may kalakasan ang pang itaas na damit niya at ibinuka ang isang paa. Itinaas niya rin ang palda ng dalaga at ibababa na sana ang undies niya nang magsalita si angel.
"M-Meron ako ngayon! P-please! Plea—se... Hu hu hu!"
Nanigas ang bagang ng binata at mariin na pumikit. Binato niya ang itim na unan sa malaking glass window sa galit.
Umupo si lucifer sa paanan ng kama, samantalang si angel ay agad na bumangon at umupo malapit sa head board ng kama at yinakap ang sarili.
Huminga siya ng malalim, tumingin sa mata ni angel ng walang emosyon.
"Okay..." suminghal ang binata "Then, come here." sumenyas siya sa dalaga na lumapit sa kaniya.
Lumapit naman ito, pinatalikod siya at tuluyang hinubad ang punit na damit. Hinalikan ni lucifer ang batok niya hanggang likod. Napakagat sa labi si angel, nakayukom ang kamay na nakatakip sa kaniyang bibig at mariing pumikit.
Yinakap ni lucifer si angel ng nakatalikod at hiniga ang ulo niya sa kaniyang batok.
"My... Angel...." bulong ng binata.
Matagal din ang yakap ni lucifer sa kaniya. Nakaramdam na ng antok ang binata kaya niyaya na niya si angel na matulog ng sabay.
"Let's sleep angel." mahinahon at may halong lambing sa boses nito.
Naging sunod-sunuran ang dalaga kahit maaraw pa lang. Sinulit nalang ni angel ang magandang mood ng binata dahil panigurado niya papait na naman ang timpla nito sa kaniya.
Nang makahiga sila ng sabay sa kamay ay yinakap ni lucifer ang balakang nito at ang ulo naman ni angel ay ginawa niyang unan ang matipunong braso ni lucifer.
Hindi maintindihan ng dalaga ang inuugali nito dahil minsan sinasaltik si lucifer. Nagiging matapang at biglang malambing. Mananakit biglang maaalalahanin.
Siguro may natitira pang kabutihan sa puso niya. Kailangan lang iparamdam sakaniya ang tunay na pagmamahal. Kung susubukan kong kilalanin si lucifer, baka mag bago pa siya.
Pero, paano?
Saan ako mag sisimula?