Nagising ako sa malamig na tubig na binuhos sa akin at tsaka sinipa-sipa ang braso ko ng may kalakasan.
"Hoy puta! Gumising ka nga! Hindi ka prinsesa dito sa bahay para ikaw ang pagsilbihan!" Sigaw ni mama sa akin.
"O-opo mama..."
Malumanay kong sagot. At ako naman dahan-dahan na bumangon dahil nabigla ako ng gising, isabay mo pa ang sakit sa braso kong sinipa niya.
Lumabas ako sa bodega na tinutulugan ko at si mama dumeretso sa salas tapat ng aking tinuring kong kwarto na bodega. Umupo ito sa kawayang pahaba na upuan at sinindi ang kaniyang sigarilyo sabay buga ng usok.
Tumungo ako sa kusina kung saan ako ang magluluto ng agahan ni mama. Uulitin ko po, AGAHAN LANG NI MAMA. Wala akong lulutin na para sa akin, kundi sa kaniya lamang.
Pagbukas ko ng refrigerador ay nilibot ko ang kabuuan nito dahil wala nang kahit anong pwedeng iluto.
Napalunok ako dahil alam ko na ang gagawin ni mama kapag sinabi ko na wala nang pwedeng ihain na pagkain.
Katatapos lang niya akong bugbugin kagabi dahil walang nag table raw sa kaniya sa bar o kaya nag take out sa kaniya papunta sa motel. Kaya sa akin niya binaling ang galit at inis na idinaan sa pambubugbog sakin.
Sinarado ko ang pintuan ng refrigirador at dahan dahan akong lumingon kay mama na patuloy ang pag-sisigarilyo.
"M-mama, w-wala nang laman na pagkain s-sa refrigirador n-natin..."
Mahina kong saad habang nanginginig ang mga naglalaro kong daliri.
"Anong sabe mo?"
Pumikit si mama at inikot ang ulo niya pagkatapos ay tinitigan ako ng masama.
Tumayo ito ng parang lasing at lumapit papunta sa akin.
"W-wala na pong pagkain ma..."
Ulit kong sinabi sa kaniya hanggang sa tumigil siya sa harapan ko.
Humithit pa ulit siya sa sigarilyo niya at agad na pinaso sa kanang leeg ko sabay tulak sakin, kaya napa-luspak ako ng malakas sa sahig.
Napahawak ako sa aking balakang sa sakit dahil sa lakas ng pagkakatumba ko sa pagtulak ni mama.
"Ako pa talaga gagawa ng paraan sa paghanap ng malalamon?! Ikaw na nga 'tong nasa bahay buong araw at gabi, hindi mo pa masolusyonan ang simpleng paghanap ng makakain!!! Tonta ka talaga punyeta ka!!" Bulyaw niya sa akin at pinagtatadyak niya ang mga hita ko.
Paano ako makakahanap ng makakain niya? Ni piso wala siyang binibigay sa akin pambili.
Oo, nasa bahay nga ako. Pero naka-kulong sa bodega. Kinukulong niya ako pag umuuwi siya sa bahay, nagakataong walang pagkain kaya pinalabas niya ako sa bodega. Ayaw niya makita ang pagmumukha ko dahil anak daw ako ng demonyo. Nabuo lang ako sa isang kasalanan. Ginahasa si mama noong daisi-sais siya. Kaya ganoon nalang ang galit ni mama sakin, dahil hindi siya makaganti sa gumahasa sa kaniya at sa akin niya ito binalingan.
"Katalina! Ano ba! Umagang-umaga bugbog na naman ang ginagawa mo sa anak mo!"
Guminhawa ako nang dumating si lola Ester ang lola ko nanay ni mama.
"Lolaaa..." *hikbi* Lumuhod si lola at niyakap ako at hinaplos ang buhok ko.
"Hindi ko anak 'yan! Anak ng demonyo 'yan! Kahit kailan hinding-hindi kita ituturing na anak tandaan mo 'yan!!!" Bulyaw ni mama. At mariin akong kinatos sa ulo.
"Letcheng buhay! Bwiset!" Bulyaw ulit ni mama at ginulo niya ang mga nakalapag sa lamesa. Pagka labas niya ay kinalabog pa ang pintuan.
"Anak, may masakit ba?" Mahinahong tanong ni lola. Pinunasan niya ang mga luha ko.
"Lola, medyo masakit mga hita ko..." tinignan naman niya ang pinakita ko na tinadyak ni mama.
"Naku! Nag-pasa agad. Patawad anak, huli na akong pinagtanggol ka. Nagtinda pa ako ng kakanin sa palengke ng maaga e. Buti may pumakyaw ng bilihin ko at naka uwi ako kaagad."
"Ayos lang lola... Buti nalang meron ka para ipagtanggol ako."
"Birthday mo ngayon diba? Bibili ako ng pagkain natin at mag-handa tayo kahit konti. Ang laki ng binigay ng isang estranghero na pinambayad sa kakanin ko. Kaya makakatikim tayo ng masarap."
Nawala ang nararamdaman kong sakit ng sabihin ni lola na kakain kami ng masarap. Ngayon ang ika-18 kong kaarawan. 18 na taon na pagtitiis sa kamay ni mama. At 18 na taon na walang sawang ipagtanggol ako ni lola. Kaya nakakayanan kong magtiis sa hirap dahil andito lagi si Lola Ester.
----------
"Angel... Angel... Angel..." Naalimpungatan ako sa pag tulog nang may nang gising sa akin.
"M-mama?" At kinusot-kusot ko ang aking mga mata.
"Birthday mo ngayon diba?" Mahinanong tanong niya. At biglang gumising ang diwa ko.
"O-opo mama..."
"Ilang taon ka na?"
"18 na mama..."
"Dalagang-dalaga ka na." Ngumiti siya ng napaka-lawak. Pero parang nakakatakot.
"Happy birthday anak..." Halos maiyak ako sa pagbati niya sa akin.
"S-salamat mama..." Sobra kong saya na sinabi sa kaniya.
"Magbihis ka lalabas tayo." At naglabas siya ng isang sexy dress sa isang paper bag.
"Iyan ang susuotin mo. Dali. Ako na magbihis sayo." Mabilis na hinubad ni mama ang mga saplot ko at isinuot sakin ang fitted na dress hanggang sa baba lang ng puwetan ko at naging dahilan para ako'y hindi komportable.
"M-mama... Masiyadong maiksi. Ganito ba talaga ako lalabas?"
"Oo naman! Oh diba? Parehas naman tayo ng suot kaya huwag kang mahiya!" Masigla niyang saad at inikot niya ako para makita ang katawan ko ng kabuuan.
"Sheeet! Ang sexy at ang ganda ng anak ko ha!" Puri ni mama. Tila namula naman ako sa sinabi niya at ngumiti ng di ko namamalayan.
"Oh siya tara na! Malalate na tayo." Hinila ni mama ang kamay ko palabas ng bahay na parang hinahabol niya ang oras.
Sumakay kami sa taxi, unang beses nakalabas ako ng bahay. Sayang mas maganda kung umaga kami lumabas, kapag gabi kasi wala nang magandang pagpapasyalan.
Tumigil kami sa isang club, binasa ko ito bago kami bumaba. Ang pangalan ay Hot Chick Spade Club. Paglabas namin ng taxi ni mama nilibot ko ang aking tingin sa lugar na pinuntahan namin. Ang daming mga babaeng nakatambay sa labas ng bawat clubs na pinagttrabahuan nila. Bigla tuloy akong kinabahan nagtiwala pa rin ako kay mama kaya hindi ako nagtanong.
"Ay vaklaaa!!! Ang tagal mo haaa!" Bati ng isang bakla na naka suot ng maikling dress na katulad din samin.
"Hay nako binihisan ko pa siya." Binaling naman ng bakla ang tingin sa akin at napatakip ng bibig.
"O M G. Siya na ba ang anak ni Alfonso?" Gulat niyang tanong.
"Hoy bakla huwag mong binabanggit ang pangalan ng demonyong 'yon. At oo anak nga ng demonyo ito."
"Jusko baridad! Inday! Ang ganda-ganda niya ohh! Buti pumayag siya na magtrabaho dito!" Biglang nanlaki ang mata ko. Mukhang nadulas ang bakla at siniko agad ni mama.
"A-asan na si Maam Cora?" Pasulyap-sulyap si mama sa loob ng club.
"Andiyan na siya bakla masiyado kang mainipin." Saad ng bakla.
Maya-maya pa ay may lumabas na matabang babae. Pulang-pula ang mga maninipis na labi, mataray na kilay, makapal na kolerete sa mata, at punong-puno ng mamahaling alahas.
"Siya na ba sinasabi mo?" Tanong niya habang nag-ngunguya ng bubble gum.
"Oo. Siya. Virgin pa 'to ha? Kaya alam mo na ang pinag-usapan natin. Kahit silipin niyo pa kepwang niya masikip pa 'yan." Sabi ni mama sa kaniya.
Tumango-tango ang matabang babae at naka-ngising tinititigan ako.
"M-mama... Uuwi na ba tayo?"
"Dito ka na titira. Ibebenta na kita sa kanila."
Para akong pinatay ng buhay nang marinig ko galing mismo kay mama ang mga salita niya. Tanggap ko naman eh, kahit araw araw niya akong sabihan ng anak ng demonyo okay lang sakin. Pero ang ibenta ako? Ang sakit. Bakit naging ganito ang buhay ko?
"Tutubusin ko lang ang lahat ng ginastos ko sa'yo para lang mabuhay ka sa mundong ito. Kahit papaano, nagka-silbi ka rin sa akin."
Lumuhod ako kay mama at yinakap ang bandang hita niya at bumuhos ang luha ko.
"M-mama huwag pooo... Huhuhu! Mas gugustuhin kong ikulong mo nalang ako sa bodega kaysa ibenta sa kaniyaaa. Hu hu huuu..."
"Punyeta ka! Bitawan mo nga hita ko! Kunin niyo na nga siya!" lumapit ang dalawang lalaki na sobrang laki ng mga katawan at itinanggal ang nakakapit kong mga kamay sa hita ni mama.
"Oh heto." abot ng matabang babae ang makapal na pera kay mama. Abot tainga ang ngiti ni mama at binilang isa isa ang pera sa harapan ko.
"Kayo na bahala sa kaniya. Wala na akong pake diyan." pagpapaalam ni mama. At iniwan ako na parang wala lang sa kaniya.
(END OF FLASHBACK)