Chapter 14: Boracay

2007 Words
Yazmine POV~ My tears started running down to my face as I heard my bedroom door open and close, maya-maya pa ay narinig ko na rin ng sasakyan nito na mabilis na umalis. I aggressively wipe my tears and stared my reflection in the mirror, I always promise to myself na hindi ako magiging mahina sa harap ninoman especially sa harap ng isang Alcantara. Pero paano ko yun gagawin kong taksil ang katawan ko at may sariling pag-iisip whenever he touch me? I need to finish my job here so that I can go back to Paris immediately. Tapos na akong maligo and now I'm wearing a night gown without bra and only panty on, again. Halos mag a-apat na araw na ako dito sa pilipinas at hindi ko pa uli nakakausap si Janice simula nong unang araw ko reto. Binuksan ko ang handbag ko kanina na dala at kinuha ko ang cellphone ko na naroon. 45% kaya pa naman, tsaka ko nalang ic-charge after kong tawagan si Janice. I dialled Janice number hindi ko alam kong gising pa ang bruha na toh kasi malamang ay hating gabi na sa Paris ngayon. After 4 rings ay sumagot din ito. " Hello " its a man voice, kinailangan ko pang tignan ang naka-register na pangalan sa contacts ko. Na-mali ba ako ng number na tinawagan? pero pangalan naman ni Janice ang naka-lagay sa number kaya sinubokan ko uling tawagan. " Hello, are you Janice's friend? " ganon parin, lalaki parin ang sumagot. " Who are you and why are you holding Janice's phone? " bigla akong nataranta at di mapigilang mag-isip ng masama Baja nasa kapahamakan ang gaga kong kaibigan. " Relax, I just want to help Janice because she is very drunk and went to the bar alone, but I don't know where to take her...I don't know her address. " saglit kong pinakiramdaman kong nagsasabi ba ito ng totoo. " Ish that Yazmine? " boses yun ni Janice na rinig ko mula sa kabilang linya. Mukha ngang lasing na lasing nga ito. " Wait Janice, wag kang malikot baka mag-suka kapa sa loob ng kotse ko " my forehead frown, did I just heard it right? Filipino ang lalaki na kasama ni Janice ngayon. " Hey Mister " tawag ko reto, hindi ko pa kasi alam ang pangalan nito. " Yes, what is it? can you tell me already her address so that I can send her home before she make a mess inside my beautiful car? " naiinis nitong turan. " First, who are you and are you a Filipino? " tanong ko reto. " I'm Clinton and yeah I'm a Filipino, why? " sagot naman nito. " Ipagkakatiwala ko sayo ang kaibigan ko pero kapag nalaman kong may nangyaring masama sa kanya mag-tago kana kasi di kita titigilan " I heard him gulp for a moment. Binigay ko ang address ni Janice dito at nagpa-alam na dahil may d-drive pa daw ito. Napailing-iling nalang ako maya-maya, di talaga mag-babago ang kaibigan ko. Ipapatong ko na sana ang cellphone ko taas ng bedside table ng bigla itong umilaw. Dinampot ko iyun at nakitang ng-send ng message si Tristan, agad ko iyung binasa. "9 am tomorrow ang meeting sa Alcantara Co" Yun lang ang laman ng message nito. Finorward ko ang message nito sa aking manager at secretary para aware din sila. After that ay natulog na ako. Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa marahang katok na nagmu-mula sa pinto ng kwarto ko. " Ma'am Thea may bisita ho kayo sa baba " tinig yun ni yaya Lourdes mula sa labas. " Paki-sabi ho na mag-aayos lang ako " inaantok parin na sagot ko dito. Nang maramdaman kong bumaba na ng hagdan si yaya ay tinignan ko ang digital clock na naka sabit sa pader ng kwarto ko. 7:15 am ang naka-lagay don. Sino ba ang bisita ko at ganito kaaga ang pag-punta? tanong ko sa sarili ko. Napag-pasyahan kong kumilos na at maligo, nag suot ako ng simpleng pink spaghetti strap croptop at lose White pants, sinuot ko din ang aking bunny slippers bago bumaba. Pagka-baba ay bumungad sakin ang mukha ng manager at secretary ko. My manager give me a weird look samantalang ang secretary ko naman ay naka-ngiti lang sakin. " What the hell are you wearing Yazmine? " kunot-noong tanong ng bakla, kulang nalang mag-salubong ang dalawang kilay nito. " Damit, duh " pa-irap na sagot ko reto at sumampa sa sofa na pang-isahan. Maya-maya pa ay dinalhan ako ng egg sandwich at gatas ni yaya, nagpa-salamat naman ako reto. " We have a meeting at Alcantara Co today, don't you remember? " tumayo ito at nakapa-maywang na humarap sakin. " Oh my god ang aga pa Yssa, 9 pa ang meeting and look wala pa namang 8:30 am " walang gana na sagot ko sa pamamaktol nito at inabala nalang ang sarili sa pagkain. " Don't give me that kind of attitude Yazmine, baka nakakalimutan mo na ginugugol mo ang isang oras sa pag-aayos " I pouted " Okay fine, tataposin ko lang toh and after mag-papalit na ako, okay? " mabilis kong tinapos ang pagkain ko at agad na umakyat ng kwarto ko. Nag-toothbrush ako uli at nag suot ng simpleng Mint green terno blazer tube dress, black ankle boots and green versace hand bag. Nag-lagay lang ako ng manipis na make up at bumaba na ng kwarto. " Let's go " sabi ko sa dalawa at nauna na sa sasakyat, pinagbuksan naman kami ng pinto ni Oggy bago ito pumasok sa driver side. I decided na wag dalhin ang kotse ko ngayon dahil magiging hassle lang kapag tatlong kotse pa ang dala namin. When we reached the Alcantara Company as I expected ang dami ng reporter sa labas. Na-unang bumaba si Oggy at ang tatlo pang bodyguard galing sa kasunod naming sasakyan at agad na pumwesto sa harap ng pintuan ng sasakyan. Na-unang bumaba ng sasakyan si Monique kasunod si Yssa na inulan na agad ng sari-saring tanong pero wala itong naging sagot at inantay lang ang pag-baba ko. Dahan-dahan akong bumaba ng kotse at inayos ang pagkaka-suot ng shades ko na suot. Sunod-sunod ang pag-flash ng camera kasunod ng maraming tanong sakin pagka-baba ko palang. Wala akong naging sagot kahit ni-isa at nagtuloy-tuloy sa pag-pasok sa loob ng Alcantara company habang napapalibutan ng aking mga bodyguard. Pagka-pasok ko sa loob ay dahan-dahan kong tinangal ang suot ko na shades at iginala ang mga mata sa mga empleyadong naroon. Halata sa mga mukha ng mga toh ang gulat habang hindi makapaniwala na naka-tingin sakin. Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa mga toh bago pumasok ng elevator. " Ang ganda niya talaga " rinig ko pang sabi ng isa bago tuloyang mag-sara ang pinto ng elevator. Pagka-labas ng elevator ay sinalubong kami ni Adam na may matamis na ngiti sa labi. " Good morning Ms. Yazmine, thank you for coming here " sabi nito bago mabilis na yumuko at nag-angat ng tingin. Gumanti ako ng totoong ngiti dito at pinakilala sila Yssa at Monique dito. Napansin ko na saglit itong natigilan ng mapatitig kay Monique. Hmm mukhang magkaka love-life na uli ang secretary ko sa isip-isip ko. " I know that my secretary is beautiful, but I don't want to be late to our meeting " bahagya naman itong bumalik sa sarili at namumulang nag-iwas ng tingin. " Dito ang conference room, please follow me " Na-una na itong mag lakad at dina uli nagawang lumingon sa gawi namin. " Je pense que tu lui as juste fait peur " (I think you just scared him) bulong sakin ni Yssa na sinuklian ko lang ng kibit-balikat. Adam open the door for us, ramdam ko ang saglit na pag-tigil ng pintig ng puso ko ng masilayan ang pagmu-mukha ni Tristan na kapanteng-kapante na naka-upo sa dulong gitanang bahagi ng lamesa. Agad kong binawi ang mga mata ko reto at tumingin nalang sa tatlong bakanting upoan na naroon malapit sa pweato niya. Bawat hakbang ko ay ramdam ko ang pag-sunod ng mga mata ng mga naroon. Si Monique ang naka-upo sa silya na malapit sa pwesto ni Tristan, sunod ako at Yssa, bali napapa-gitnaan ako ng dalawa. Si Adam naman ay umupo sa kaharap na upoan ni Monique. " Dahil nareto na ang lahat, we can now start the meeting. " pag-uumpisa ni Tristan. " We are going to shoot different kind of picture, we're planning to shoot for summer and winter idea's kaya ang ung location ng photoshoot ay sa boracay for summer catalogue at ang winter naman ay pwede nating kuhanan sa tagaytay " sabi nito. May binigay samin na catalogue ng mga bag na gagamitin ko raw during photoshoot. " I will be wearing Thea's clothing brand for the entire photoshoots right? " nag-angat ako ng tingin dito. Tinitigan naman ako nito ng seryuso bago tumango. " I will be the one to chose what kind of clothing Yazmine's going to wear and what kind of images should be print out " sabat ng manager ko at halata naman ang pag-tutol sa mga mukha ng mga tao na naroon. " Pero trabaho ko yan " sagot ni Ms. Calantoque. " Hindi kita tinatanggalan ng trabaho para i-guide si Yazmine during photoshoot, but I will not let anything to happened that might ruin her image. Do you understand me? " naka-taas ang isang kilay na sagot naman ng manager ko na inismiran lang ni Ms. Calantoque. " Now everything is settled, bukas ang alis natin papuntang Boracy para sa first photoshoot " maya-maya pa ay sabi ni Tristan, wala ng iba pang nagsalita kaya tinapos na ang meeting. Na-una ng lumabas ng conference sila Yssa at Monique at bahagya lang akong nahuli. Naramdaman ko ang pag-pulupot ng isang kamay sa bewang ko at nanlaki nalang ang mga mata ko ng makita si Tristan sa gilid ko. " Get off, you're employees might see us " galit na bulong ko reto. Tinanggal naman niya ang pagka-pulupot ng braso niya sa bewang ko pero hindi parin hindi lumalayo sa tabi ko. Pumasok ito sa isa sa mga pinto na naroon, mukhang opisina nito. Nakita ko na inaantay ako ng dalawa na maka-pasok ng elevator kaya mabilis akong nag-lakad palapit sa kanila. " Close ba kayo ni Mr. Alcantara " tanong ni Yssa maya-maya. Lumingon ako dito pero naka-tingin lang ito sa reflection ko sa pinto ng elevator. " No " simpleng sagot ko. He looked at me at halata sa mukha nito na hindi naniniwala pero hindi na mag-tanong pa na labis kong pinagpa-salamat. Kahit ako sa sarili ko ay hindi ko alam ang totoo. Mag-asawa parin kami ni Tristan, pero hindi ibig sabihin non ay aakto ako bilang isang asawa sa harap niya. Diko na uli hahayaan ang sarili na apihin ng mga ito. Nagpa-hatid ako sa Hotel suit kasama ang dalawa. " Make sure na kompleto ang lahat ng damit na dadalhin natin para sa photoshoot bukas Monique " kasalukuyan kaming nag-aayos nga mga kagamitan na dadalhin namin bukas. Pagka-tapos ay nagpa-hatid na ako pa-uwi ng mansion. " Ma'am kumain po muna kayo " bungad sakin ni manang Glenda. Isang tango lang ang naging sagot ko reto at mabilis na umupo para kumain. Its a tuna sandwich, fresh fruit salad and orange juice. Pagka-tapos kong kumain ay umakyat na ako sa silid ko para mag-simulang mag-impake. Nag-dala ako ng tatlong pares ng swimsuit, tatlong pares ng maong shorts, dalawang cotton shorts, dalawang croptop, dalawang sunny dress, slippers, sandals, make-up, undies, sunscreen lotion and shades. Kailangan ko ring i-monitor ang sales growth ng Thea Inc. habang wala ako kaya nag-dala na rin ako ng laptop. Ang sabi ni Ms. Calantoque kanina ay magtatagal kami ng limang araw doon. Dalawang araw ang photoshoot at ang tatlong araw na ntitira ay par sa pahinga ng lahat. Kaya lahat ng kasama sa pag-alis bukas ay excited dahil sa bagay na yun. Bang gabi na yun ay napag-desisyunan kong matulog ng maaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD