"Anak! diba suaunduin mo ngayun si sandy?" tanong ni mama, ngayun ang uwi ni sandy dito kasi daw siya mag babakasyon at dadalawin niya rin ang lolo niyang may sakit
"hindi po ma, mag kikita nalang po daw kami sa cafeteria malapit sa parke" sagot ko kay mama
"ahh, sige aalis muna ako pupunta ako ng palengke bibili ako ng ulam natin mamaya" paalam ni mama kaya tumango.
******
nandito ako ngayun sa cafeteria malapit sa parke, favorite ko ang lugar na to, matao pero malinis naman ang paligid, wala kang makikitang nakakalat na basura dahil, tsaka nakakahiya din mag tapon nohh kasi parang malinis pa sayo,.
ilang minuto din ay dumating na si sandy, actually nung una ay di ko siya nakilala pero ng lumapit siya sakin ehh parang nanliit ako sa totoo lang
ang ganda niya, maganda naman siya noon pero mas lalo siyang gumanda ngayun ehh ako ang badoy ng suot , natatawa tuloy ako bat naging kaibigan ko to?, ang laki ng pag kakaiba namin siya matalino, maganda, mayaman, mabait, siya ang pina pangarap ng mga lalaki,
"huy yang nilalait mo ko no!?" natatawang tanong niya, agad naman akong napa iling
" di ah, ang ganda mo kasi ngayun" sagot ko habang naka ngiti
bigla siyang bumusangot,at sinamaan ako ng tingin binigyan ko na man siya ng nagtatakang tingin
" yang ang sama mo talaga" natatawang sabi niya
"ha!" naguguluhang tanong ko, ehh kinomplement ko lang naman siya
" sinasabi mo ba na ngayun lang ko gumanda?" seryusong tanong niya kaya napatawa ako
" hindi ahh ganda mo kaya palagi" natatawang sagot ko sinamaan niya ako ng tingin, dahil sa lakas ng tawa ko ay naka tingin na ang ibang tao sa table namin, pake ko HAHAHA