LANCE ALEXANDER HADISSON Napa iling na lang ako sa naging sira na naman sa nangyari matapos ang kasal. "Hindi talaga sila titigil. "wika ng bagong dating na si Damon. Magsasalita na sana ako, nang mag salita ang bagong dating na si Luther mula sa Black Organization. Kasunod din nito sila Thunder. "Luther?" takang tawag dito ni Thunder. "Well, hi gusto ko lang sana batiin ang congratulation ang ating newlyweds. At balaan na rin kayo." wika nito. Alam ko na ang tinutukoy nito, sa dalawang taon na nag tago kami kasama sila sa tanging na kokontak namin ng palihim at si Drake ng Dark Organization. "What about?" tanong ni Vladimir na hindi man lang bumaba ng sasakyan niya. "Ngayon alam na nila na kasal na si Flame hihintayin na lang nila na mabuntis si Flame. Ang bata ang puntirya nila.

