FLAME MORJIANA LAVISTRE
Nakita ko yung magagandang tanawin sa lugar na 'to kaso napa tigil ako ng maalala ko ang iniwan mo. "Sh*t ngayon pa ba ako mang hihina?" tanong ko hangin.
Mabilis akong sumakay sa kotse ko at mabilis itong inatras at nang maayos na mabilis kong pinatakbo ito pabalik sa Underground.
Kinuha ko ang isa pang Earpiece ko at binuksan ang location ko. Tinawagan ko si Mika.
"Mika gave me exact information and location. Don't tell this to anyone!" utos ko.
"Yes boss!" sagot ko. Agad ko na tanggap ang hinihingi ko. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko patungo sa location.
Nakita ko ang mala Mansion na bahay sa hindi kalayuan. Nakita ko din sila kuya Thunder at ang iba naming tauhan. Tumigil ako hindi kalayuan sa kanila upang hindi nila ako mapansin.
"Mika? Kaya mo ba ako ipasok sa mga linya nila?" tanong ko.
May plano ako hindi dapat sila lumapit ng ganyan kalapit sa kaaway. Hindi natin alam na maaring may naka bantay pa lang sniper sa kanila.
"Opo boss give me 1 minute." sagot ni Mika. Tulad ng sabi nito binigyan ko siya ng isang minuto.
Habang hinihintay itong matapos tiningnan ko ang buong paligid ng mansion ng mga Cervantes.
"Boss pasok na kayo." wika nito.
"Thanks!" pasasalamat ko. Huminga muna ako ng malalim bago muling nag salita.
"Guys ako ito si Flame. Lahat kayo umatras kayo!" utos ko. Binuhay ko ang makina ulit ng sasakyan ko.
"Flame? Teka mag us---" agad kong pinutol si kuya Thunder sa gusto nitong sabihin.
"Kuya hindi ito ang oras para pag usapan ang personal na bagay. Gawin niyo ang inutos ko in 20 minutes lalabas sila ng mansion bilisan niyo!" utos ko. Mabilis kong inatras ang sasakyan ko.
"Sumunod kayo sa'kin." utos ko at mabilis ang pag maneho ko paalis sa lugar na iyon.
Hindi naman ako nabigong pasunurin sila sa'kin. Kumanan ako at pumasok sa dating tinitirhan ko ang lumang building malapit ito sa mansion ng mga Cervantes.
Kaya ko napili dito dahil minaman-manan ko sila. Minsan na akong pumasok sa mansion na yan para mag nakaw, kaso muntik na rin akong mahuli sa dami ng aso nila.
"Flame anong lugar ito?" tanong ni Vlad bumaba ako bago mag salita.
"Huwag na kayo bumaba. Dito ako unang tumira tatlong buwan matapos ang gulo. Akin ang mga gamit na nakikita niyo na iniwan ko na lang." mahabang sagot ko. Nag lakad ako upang ibaba ang tarpulin upang hindi ako lamigin noon.
Binuksan ko head light ng sasakyan ko at kinuha ko ang isang briefcase ko kung saan tinatago ko ang lahat ng information na pinapakuha ko kay Ken noon.
"Flame.." tawag sa'kin ni kuya Thunder.
Nag lakad ako pabalik at nilisan ko ang nag sisilbeng mesa ko at binuksan ko ito. "Ito ang iilan pang information ng pamilya na yan. Basahin niyo, hindi sila basta basta pamilya lang dahil mga literal silang papatay para lang sa kapang yarihan!" wika ko kinuha ko ito at nag bigay ako kay kuya Thunder ganun sa iba kong pinsan at tauhan.
"Meron kayong sampung minuto para basahin yan. Dahil kapag lumabas sila susundan natin sila, pero hindi tayo pwede dumikit sa kanila, dahil mabilis din sila maka amoy ng kalaban." paliwanag ko.
Paano ko naibigay sa kanila? Naka taas naman ang roof o bubong ng sasakyan nila.
"Hindi naman namin ito kaya kabisaduhin boss agad." wika ni Avel.
"Hindi niyo kailangan kabisaduhin. Tingnan at kailangan niyo mukhaan ang pamilya na yan sila ang target nila. Kung hindi ako nag kakamali pupunta sila sa isang Casino ngayon." sagot ko. Binuksan ko ang trunk ng kotse ko.
Kinuha ko ang Gun Holster ko at ikinabit ko ito sa hita ko. "Hindi tayo makaka pasok kung mag susuot ka ng ganyan." puna ni kuya Storm.
"Trust me makakapasok ako." wika ko at nag suot ako ng malaking black coat at nag suot din ako ng itim na boots.
"Handa na kayo? Palabas na sila." tanong ko. Nag lagay ako ng baril sa magka bilaang tagiliran ko.
"Oo handa na kami." sagot ni Demitri.
Tumango ako bago nag salita. "Let's go!" sagot ko at sumakay na ako sa kotse ko.
Nakita ko si Blake na naka angkas sa likod ni Avel. Bago ako sumakay lumapit muna ako sa kanila. "Kayo na sa kotse ako sa motor bilis!" utos ko.
"Pero Flame ----"
"Tara na pare! Mas mabuting sumunod na lang tayo. " hila dito ni Avel.
Walang emosyon akong sumakay sa motor at sinara ang coat ko. Nag suot ako ng helmet at binuhay ang motor.
Nauna akong nag patakbo at saka nag utos ulit. "Kuya Thunder, Vlad at Earl sa kanan kayo pumuwesto. Huwag kayo didikit sa kanila hayaan ninyo ako ang dumikit sa kanila," utos ko.
Huminga ako ng malalim at mas binilisan pa ang papatakbo ko. "Kuya Storm, Demitri, Ezekiel. Sa kaliwa naman kayo, pareho sa unang utos ko!" dagdag ko muli.
Nakita ko ang targe na pakanan. Tama ako sa casino sila tutungo.
"Lastly, Damon, Avel and Blake sama sama kayo sa gitna. Kapag nakapasok na tayo sa Hotel na pupuntahan nila. " wika ko.
"Okay!"
"Walang problema!" sagot nila halos sabay sabay.
"Lance, Ken, Asahina at Akira stand by kayo sa taas. Ken give us Update about kay Samantha. Time to time!" huling utos ko.
"Kasama natin sila? Pero nasaan sila?" tanong ni kuya Storm.
"Nasa loob na kami ng hotel. Okay boss Flame walang problema!" sagot ni Lance.
"And Brent bago ko makalimutam siguraduhin mong pasasabugin mo ang mansion ng nga Cervantes sa oras na sinabi ko." wika ko. Bumaba ako sa motor ni Avel
Hindi ako pumarada sa pinaka harap ng hotel dahil mahahalata ako. "Oo ako na bahala doon. Inaayos ko pa." sagot ni Brent sa kabilang linya.
Naka tanggap ako ng tawag mula kay tita Charlie. Agad kong binabaan ito at mabilis ng tipa ng text message at pinadala ito sa kanya.
Alam ko para saan yan. Pupuntahan ko na lang siya matapos nito. "Handa na kayong pumasok?" tanong ko sa kanila. Sa iisang parking lang kami nag park.
"Oo. Kaya tapusin na natin ito. "sagot ni Damon.
Wala akong imik at binalingan si Blake. "Kaya mo ba ito? " paninigurado kong tanong dito. Dahil hindi biro ang susunod na mangyayari mamaya.
"Oo sigurado ako. " sagot nito. Walang sagot akong naunang mag lakad at agad pinakita sa lalaki gwardya ang Black card ko bilang isang VIP guest.
Agad itong gumilid kaya naman tuloy kaming pumasok. "Paano ka naka kuha ng ganyang card?" tanong ni Blake.
"Sa pag kakaalam ko napaka hirap kumuha ng card na yan at napaka hirap pumasok dito." sunod na wika nito.
"Simple lang. Mag bayad ka para maka kuha ka, may utang pa ako kay Ken dahil dito. "sagot ko. Dahil hindi kami kasya sa isang elevator at dalawang elevator ang ginamit namin.
Ang kasama ko si Kuya Thunder, Storm, Blake Ezekiel, Damon at si Earl. Sa kabila naman yung iba.
Sumandal ako bahagyang pumikit narinig kong may bumuntong hininga. "Flame pasensya kana sa inasal ko kanina.." wika ni Thunder.
Nag salita naman ako nang hindi ito tinitingnan. "Ayos lang tanggap ko na agad. Hindi mo na kailangan humingi ng tawad kuya, " sagot ko. Pinag iisipan ko na rin na bitawan na ang pagiging mafia boss, gusto ko na ito ibigay sa karapat - dapat na pinuno.." putol ko. Tumayo ako at tumalikod sa kanila.
Muli akong nag sakita. "Ngunit hindi ko pa alam kung sino. Hindi biro at hindi madali ang trabaho ko bilang Mafia Boss, kaya kailangan ko maging matalino sa pag pili ng magiging susunod na mafia boss." paliwanag ko.
Wala naman akong narinig na kahit anong sagot mula sa kanila. Hanggang tumigil at bumukas ang elevator ng makarating ito sa floor na pakay namin.
Nauna akong lumabas sumunod naman sila at ganun din ang bagong labas sa kabilang elevator.
THIRD PERSON POV
Sabay sabay sila nag tungo sa loob malaking casino. Agad nakita ni Flame ang target nila ngunit nilagpasan lang ito ng dalaga.
"Guys, 9 o'clock left doon naka upo ang target." bulong ni Flame habang nag lalakad patungo sa nag lalaro ng poker game.
"Flame. Palapit yung panganay na anak sa'yo." wika ni Thunder sa nakaka-batang kapatid.
Hindi naman naka tanggap ng sagot ang binata mula sa kapatid niya. Ramdam ni Flame ang presensya ng tao sa likod niya na dumaan.
Habang si Blake naman ay nag lilibot sa paligid. Nakita niya na ang isang card game parang gusto ni Blake na mag laro.
"Blake marunong ka ba mag laro?" tanong ni Damon dito. Lahat sila ay kapwa nag uusap sa kanilang suot na earpiece.
"Marunong pero ayoko mag laro. Iba ang pinunta natin dito, saka ayoko maging addict dito." sagot ng binata.
"Guys makinig kayo naka tingin sainyo ang mga nag kalat nilang Private Army!" wika ni Brent sa kabilang linya.
Nakita nilang gumalaw na si Flame kasabay nito ang pag dilim ng paligid. "Mag handa kayo. The real game is coming up!" bulong ni Flame.
Pina-kiramdaman naman ni Flame ang buong paligid hanggang sa maka rinig siya ng nag lalakad.
"Lumakad kayo ng Sampung beses papunta kung nasaan kayo naka harap. Pader yun bilis!" utos ni Flame kahit nalilito sila ay ginawa nito ito.
Sa hindi inaasahan na dunggol si Damon ng pader mismo dahil ang hakbang niya ay anim lang pala andun na siya.
"Aray! Masakit ha?!" reklamo nito na kinatawa naman nang mag pipinsan. "Nakaka anim pa lang ako pader na pala yun!" gigil na bulong nito.
Napa tampal naman sa noo si Flame dahil hindi niya naisip na mahahaba pala ang hita ng mga kasama niya. "Okay na ba kayo nasa pader na kayong lahat?" tanong ni Flame.
"Yes!" sabay sabay sagot nila
Narinig pa nila ang pag rereklamo ni Damon dahil may tumapak sa paa nito. Pumikit si Flame at doon niya naramdaman na may inilalabas ang mga tao paakyat sa entablado.
Agad niyang nilabas ang baril niya at walang ingay na kinasa. "Humanda kayo pag bukas ng ilaw alam kong makikita na natin si Sam." wika ni Flame
3... 2... and 1 !!
Agad inangat ni Flame ang dalawang baril nito at itinutok sa likod niya at harapan niya. Bumukas naman ang ilaw at ang mga bisita ay kalaban din pala nila.
Bumungad sa kanila ang walang malay na si Sam naka tali ito at naka upo.
"Welcome mula sa aking paraiso Miss Lavistre!" naka ngising wika ni Jonathan Cervantes.
"Bago natin simulan ang kasiyahan na ito may gusto akong sabihin," naka ngiti nitong wika.
Nilingon ni Thunder si Flame na ngayon ay walang imik blangko ang tingin nito. Kahit si Blake ay kinakabahan ngunit mas ginusto niyang manahimik na lang at sumunod sa utos ni Flame.
"Napaka sarap pala ng tauhan mo ano? Lahat sila ay kapwa mga sari---" hindi na nito natapos ang sasabihin ng sumabog ang bungo ng isa sa mga tauhan nito.
Pinaputukan ito ni Flame ng tatlong beses sa ulo ng hindi tinitingnan. Humarap si Flame at ibinaba nito ang kanyang hawak.
"Ibalik mo sakin si Sam kung ayaw mo ubusin ko ang buong pamilya mo sa mansion niyo." malami na banta nito.
"Palit ulo gusto mo? Sige akin si Sam bubuhayin ko sila. Brent and Ken ngayon na!" sigaw ni Flame.
Biglang umilaw ang malaking flat screen TV sa likod nila. Nakita nila kung sino ang may hawak sa Cervantes Family walang iba kundi ang grupo ni Brent, Ken at Drake Montelivano.
"Oh sh*t! Si Drake Montelivano!" wika ni Storm.
"You f*cking bastard!" sigaw ni Jonathan Cervantes.
"Now pakakawalan mo si Sam o tatapusin ko pamilya mo? Nasa kamay mo ang buhay nila." walang emosyon na tanong ni Flame.
Napanganga ang mag pinsan na Lavistre at Valencia sa nakikita nilang mukha ng nakaka batang pinsan. Kahit si Blake hindi maka paniwala na kaya na talaga nito umubos ng pamilya.
"Flame, alam ko naman kung gaano ka kalupit pero 'wag naman ganito.." kabadong wika ni Blake dito.
Lumapit pa ang binata kay Flame at muli sa nang mag sasalita ng tinaas ni Flame ang kanang kamay niya. "Ang mga katulad nilang pamilya ay hindi na dapat pang kaawaan.." malamig na sagot ni Flame. Narinig niya ang pag kasa ng baril.
Walang pakundangan itong pinaputukan sa ulo. Bumagsak ang lalaki na naka tayo sa likod niya.
"Ayoko patagalin ito akin na si Sam bago mapatid ang pasensya ko!" sigaw ni Flame na halos kina gulat ng lahat.
"Patayin sila!" sigaw ng binatang si Jonathan.
Mabilis naman tumakbo si Flame patungo sa harapan at pinatumba lahat kasama ng binatang si Jonathan.
"Kuya! Tapusin niyo silang lahat!" utos ni Flame.
Napa iling naman si Vlad at humarap na ito sa lahat ng private army ng kalaban.
Kanya kanya silang posisyon. Agad silang nakipag palitan ng bala sa mga ito. Hindi naman maitatangi na mas marami ang tauhan ng kalaban keysa sa kanilang nandito.
Hindi naman nag dalawang isip si Thunder na pilipitin ang leeg ng babaeng kaharap niya. Si Earl naman ay walang pakundangan na dinukot ang mata ng dalawang kalaban nito.
Habang si Damon hindi tinigilan ang pag hampas ng upuan sa biktima nito. Nang makita niyang duguan ito at wala ng buhay saka ito tumigil.
Binigyan niya pa ito ng ngisi at hinagis na lang kung saan ang upuan. Habang si Demitri ay hindi na nag pagod dahil inutusan nito ang kaharap niyang tatlong lalaki na barilin ang mga sarili nila kung ayaw nilang.
Pag pira-pirasuhin ni Demitri ang mga buto nila. "Mabuti at sumunod kayo.." malamig na wika nito. Tumayo ito at nag lakad na paalis.
Si Vladimir naman ay binali ang buto ng isang babae at walang awang binaril nito ang likod ng ulo nito patagos sa noo ng kawawang babae.
Si Ezekiel naman ay mabilis na tinapos ang iba sa pamamagitan ng pag baril sa mga ito.
Habang si Storm naman ay walang sawang hinampas ang ulo ng kawawang babae sa sementadong pader na agad kina durog ng mukha nito. Halos hindi na ito nakilala ng tigilan ni Storm.
Hindi ito na kuntento at nirat-rat pa nito ng bala ang mukha nito.
Si Blake naman ay walang awang ginilitan ang leeg ng biktima nito at iniwan na lang na naliligo sa sariling dugo nito.
Habang pababa si Flame nag salita ito. "Kung hindi kayo titigil sa pamemeste sa'kin? O sa amin? Tandaan mo 'to hawak ko ang buhay niyo!" malamig na paalala ni Flame sa mga ito at nag lakad ito palabas.
Nang maka labas na sila sa pinto nag salita si Jonathan. "Papatayin ko lahat ng tao dito!" sigaw ba pag babanta nito.
"Brent pasabugin mo na." walang emosyon na utos ni Flame. Sabay sabay silang napanganga.
Kahit si Jonathan sa walang habas nitong utos. "Walang problema!" narinig nilang sagot ni Brent.
Pag bukas ng elevator ay siyang pasok nila. Tulad kanina ay mag kakahiwalay parin sila. Tahimik lang si Flame hanggang maka baba sila at makalabas ng building
"Pansin ko wala ng tao dito?" tanong ni Ezekiel.
"Dahil pinatrabaho ko sa kanila. Nakuha niyo na si Sam?" sagot at tanong ni Flame.
Nagulat sila ng lumabas si Asahina, Akira, Jenny , Barbara, Tatiana, ,Yuri, Toni at Teri. Hawak na nila si Sam at mabilis nila itong sinakay sa van.
"Umuwi na tayo tapos na tayo dito.. Sa ngayon," maka hulugan na wika ni Flame.
Sumakay ito sa motor ni Avel at mabilis iniwan ang mga pinsan..
-
War does not determine who is right. Only who is Left..