Minzy's
"Aaaah" Nagising ako sa ungol sa kabilang kwarto. Sa kwarto ng kuya ko.
Kinalabog ko yung pintuan niya sa sobrang inis. Diba? sinong matinong magaanuhan sa ganitong oras? 5:00 ng umaga?
"Kuyaaa ang ingay ng kasama mo. Pwede bang paki takpan yung bibig natutulog pa kasi ako." Sabi ko.
Yeah. kuya ko ay isang katulad ni Dave. Isang babaero. Mahilig magdala ng babae sa bahay tuwing wala sila Papa. Wala sila papa kaya ayan siya nag hahayahay.
"Shu-t Upp! Minzy, Umalis ka diyan sa pintuan ko." Sigaw niya na parang hinihingal.
Kainis naman! dalawang oras akong nakatakip lang yung unan sa tenga ko. Seryoso? Dalawang oras sila kuyang ganun? Ang tibay ng resistensya ni Kuya ha? hala ano ba 'tong pinag iisip ko?
Bumaba na ako para mag handa ng almusal. I sighed. Di ako nakatulog ng maayos kaya kape nalang ang iinumin ko ngayon. Baka mamaya eh antukin ako sa klase. Bobo na nga ako eh. Pero naka salamin? feeling genius? malabo lang talaga mata ko.
Natapos na ako sa almusal at umakyat na para maligo at magbihis ng damit sa school. Araw araw akong ganito. nakakatamad na minsan.
Bigla akong nakarinig ng busina. Nung narinig ko yun ay agad akong lumabas at sumigaw ng..
"Daveee-"
Bigla akong natigilan sa pag sigaw. Busina lang pala ng kapit bahay. At yung nakakalungkot pa eh akala mo ay si Dave yung nasa labas at hinihintay ka para sabay na kayong pumunta sa school.
"Di na 'to tulad ng dati Minzy...Mag-isa ka nalang ngayon.. Wala na kayo ni Dave." Bulong ko sa sarili ko.
Oo nga naman. Paano ko nga ba sasanayin ang sarili kong di na 'to tulad ng dati na kasama ko si Dave sa lahat ng oras. Gayung di ko pa siya nakakalimutan? Pinukpok ko nalang yung sarili ko sa katangahan at nagmartsa na mag isa papunta sa school. Malapit lang ng konti yung school dito kaya pwedeng lakarin.
Palapit na ako sa gate ng may naaninag akong isang matangkad na lalake. Naka hoodie jacket siya at naka pamulsa. Parang may hinihintay. Bigla akong kinabahan nung tiningnan niya ako at umayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader. hala? Epekto ba ito ng kape? bakit parang sobrang kaba naman ito?
"kanina pa kita hinihintay miss, Sipa." Sabi ng lalake
Naaninag ko yung mukha niya. Siya yung sinipa ko yung ano niya dahil sa pagkamanyak. Di siya panget gwapo siya pero nakakatakot yung titig niya parang pumapatay? Halaaaa! Papatayin kaya ako ng isang 'to dahil sa ginawa ko sa kanya?
"SORRRY!!! DI KO NAMAN BALAK GAWIN YUN. PATAWARIN MO AKO." Pag mamaka awa ko sakanya.
"Tsk! Buti naman at natandaan mo pa yung ginawa mo kahapon. Muntik mo na akong basagan ng kaligayahan." Naka kunot yung noo niya yung sinabi niya yun.
hinawakan ko yung jacket niya bandang braso."Kuya sorry na! gagawin ko ang lahat patawarin mo lang ako at wag sasaktan." Naka nguso kong sabi.
"Tsk! lahat gagawin mo?" tanong nito ng nakangisi
"Oo wag lang yung maging s*x slave mo!" Sabi ko baka kasi pagawa niya yun kaya inunahan ko na.
"Ha? bakit mo naman nasabi yan?" Nakataas yung kilay niya nung sinabi niya yun.
"Kasi mukha kasing manyak ka, eh. Para ka kasing si Dave na mukhang s*x lang habol sa isang babae." nakayuko kong sabi.
"Ha.ha. Are you kidding? Ako mukhang s*x? Ano ako tigang? Atsaka kung s*x lang hanap ko, Hindi sa kagaya mo. You're not my type anyway." Nakangisi niyang sabi.
"Oo na! Gwapo mo eh.” Note the sarcasm. "Pero seryoso na gagawin ko ano man ang gusto mo. Mawala lang yang galit mo sa'kin.” Sabi ko habang tumitingin sa mata niya. Bakit parang kakaiba yung mata niya? Ang ganda ng mata niya. Parang nanghihigop ng buhay.
"Tss. Follow me." Sabi niya at naglakad.
Sumunod naman ako sa kung saan. Napadpad kami sa mga bakanteng rooms. Hala sinasabi ko na nga ba! Baka gawin niya akong s*x slave! Napahinto ako sa paglalakad dahil sa nerbyos. Baka rape in ako ng matangkad na lalaking ito.
"B-bakit tayo nandito?" tanong ko na medyo natatakot.
"Tss! Just follow me. You're so annoying.” sabi niya ng direderetso lang sa paglalakad.
Di na ako umimik hanggang nakarating na kami sa dulo ng building. Hala walang tao dito kaya walang nakakakita na nandito kami. Bigla akong kinabahan ng humarap siya sa'kin.
"Waaaah wag mo kong hahalayin virgin pa ako.” Sabi ko sabay yakap sa sarili ko.
Tumawa siya ng mahina tsaka tinaas yung kilay.
"Kung nais ko mang manghalay sa lugar na ito iba nalang ang dadalhin ko. Nagtaka ka pang virgin ka ha?" Nakangisi nitong sabi.
Medyo below the belt na yun ha? Ang sama ng ugali. Hmp!
"Hoy! alam kong panget ako pero sana naman wag mong idinidiin sakin! Ang sakit kay-" nagulat ako nang biglang lumapit siya at tinakpan yung bibig ko nang kamay niya. at ang lapit ng mukha niya.
"Shh! Don't make any noise, You stupid.” sabi niya at parang may parang pinapakinggan. at nakinig narin ako.
"Hmm .. HHmp." Isang unggol ang bumabalot ngayon sa kapaligiran ng building. Isang unggol na di nakakatakot. Isang unggol na nakakapag init sa katawan. Ano bang kalaswaang nasa isip ko? Wengya!
"Ahhh! sh*t sige!” Bigla namang may nagsalitang babae at mula sa isang bakanteng room.
"Dyan ka lang." Sabi ng lalake at inalis yung kamay niya sa bibig ko.
Pero 'di ko siya sinunod at pumunta narin ako at sumilip sa naka siwang na pinto para makita kung sino yun.
Lumakas ang boses ng babae na parang sarap na sarap sa ginagawa niya. "B-babe. Nakikiliti ako.” Sabi ng boses na babae.
"You like it?”
Biglang pumintig ng masakit yung puso ko ng narecognize yung isang boses ng lalake.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo ulit ako ng lumuluha. Oo si Dave na naman yung nakikipag lampungan. At alam niya bang kakabreak lang namin nung isang linggo? Ako halos mabaliw sa kakaisip sakanya pero siya ano? Nakikipag s*x na sa ibat-ibang babae agad. Sa sobrang bilis ng pag takbo ko ay nadapa na ako sa damuhan.
"ang tanga mo Minzy! ang tanga tanga mo! bakit sa lalaking yun ka pa nainlove" Tawa't iyak kong sabi nung naka upo ako sa damuhan
Sa gitna ng pag iiyak ko doon may isang kamay na naglahad ng panyo.
"Tsk! iyakin ka pala. So yun pala yung Dave na kaninang sinasabi mo?"
Kinuha ko yung panyo at pinahid yung mga luha ko. Nag nod nalang ako dahil basag pa ang boses ko.
"Tsk gagaya mo pa ako doon. Ex mo ba yung lalaking yun? Sinaktan ka ba niya? Pinaasa ka ba niya?"
Di ako nagsalita at umagos na naman ang mga luha ko. Bakit ang dami niyang tanong? Kitang nasasaktan ako dito kaya dapat may naiisip na siyang dahilan kung bakit ako lumuluha dahil sa lalaking tinutukoy niya.
"Kung ganun, gusto mo bang mag revenge sa lalaking yun?' tanong ng lalaking kaninang kasama ko na nag abot din kanina ng panyo.
"R-revenge? P-aano naman?" Basag yung boses ko ng itanong ko yan.
"Go change your self. Magpaganda ka, mag pasexy ka. Gawin mo lahat para maging katulad ng isang s*x goddess para lang mabaliw siya sa'yo. Pag nabaliw na siya sa'yo dun mo lang siya magagantihan dahil gagawin mo din yung mga ginawa niya sa'yo. Iiwan mo din siya at sasaktan.” Desperado niyang sabi. Na parang may galit? Ewan ko ba. Kada bigkas niya ay may diin.
"P-aano naman ako gaganda? e-h di naman ako maganda." Sabi ko ng may alinlangan.
"Walang impossible sa mundo, Miss. I'll help you. And I promise to you na hahabulin ka ng jerk na yon.” Pagkasabi niya sabay lahad ng kamay para tumayo.
Di ko alam kung tama ba itong pinaplano namin pero isa lang ang nasa utak ko. Ang mag higanti sa ginawa sakin ni Dave. Naniniwala ako na dapat hindi nag papaapi ang isang babae. Lahat ng babaeng inapi ay may matindin revenge. I'll make sure na babagsak din si Dave. This was His greatest downfall.
Pero bakit parang kalahati ng isip ko ay sinasabing wag kong gawin? pero eto na nga ako't nakipag sundo sa isang stranger.