Minzy's POV
"Hindi yan.. ano ka patay?"
after 5 minutes na pag susukat sa fitting room ay lumabas na ulit ako.
"Panget!! ano ka mag bo-ballroom? yung iba.." Sabi ni mamang matangkad na hanggang ngayon ay di ko pa kilala.
Nandito kami sa mall para sa change outfit na yan. Ako daw pumili ng mga gusto ko. At ayun nga pinili ko naman yung mga gusto ko na hindi naman niya gusto.
"Ano ba kasi ang gusto mo? ikaw na kaya yung pumili. tsk kainis." Sabi ko sabay pameywang.
"Tsk! Sige na sumunod ka sa'kin, manang." Pang aasar niya.
Sinundan ko nga siya sa paglalakad at pagpili ng mga damit na susuotin ko daw para maakit ko daw si Dave? seryoso na ba talaga 'to? Bawat lakad namin sa boutique ay hinahagis niya yung mga damit na napipili niya at diretso sa kamay ko. Ang dami naman niyang pinili tsk! pumili rin siya ng mga shoes may mga matataas na heels na di ko kayang suotin. flats etc. matapos ang isang oras na pagpipili niya ay tunulak niya ako ulit sa fittting room.
"Makatulak wagas?" Sabi ko nung nasa loob na ako.
"Tsk sukat mo lahat! Para 'di ka maging manang sa paningin ko." Masungit niyang sabi.
Kada labas ko ng pintuan ay tumatango lang siya at umiiwas ng tingin. Lahat naman siguro ay nagustuhan niya di naman siya nag rereklamo eh.
nung matapos na kami sa damit at sapatos ay dinala niya naman ako sa mga make up? Konti nalang ay maniniwala na akong bakla itong matangkad na ito.
"HOY! bakit ang dami mong alam sa ganito?" tanong ko nung nasa tapat kami ng store.
"Bakla ka ba?" Dagdag ko.
humarap siya sakin ng nakangisi pero halatang galit. Nakakatakot.
"Ha! kung ako bakla sana ako nalang nag susukat ng mga yan." Tinuro niya yung mga bitbit kong paper bags. OO ANG GENTLEMAN niya po kasi. kainis.
"At wag mo akong ma-HOY! HOY!." Sabi niya pa.
"Eh di ko naman kasi alam pangalan mo eh kaya HOY nalang tawag ko sa'yo." sabi ko na nakataas ang kilay
"Edi HEY nalang din tawag ko sa'yo para kwits tayo.. Di ko rin naman alam ang pangalan mo eh." Sabi niya sabay hila sakin sa loob ng store ng mga pangpaganda.
Pinaasikaso niya ako sa mga saleslady doon dahil wala naman daw siyang alam sa mga make up. Minake up-an lang ako doon ng mga babae at bumili na rin si HOY ng mga make up na kaylangan ko daw sa pagpapaganda. Pagkatapos ng nakaka atching na make-up-an ay nagtungo kami sa store ng mga contact lens.
"Mag contacts ka nalang para di ka mukhang manang." sabi niya
"HOY! kanina ka pa sa manang na yan ha? mukha ba talaga akong manang?"
ngumisi siya ng nakakaloko.
"Nag tanong ka pa HEY! tignan mo mukha kang nerd na ewan at sa palagay ko ikaw lang yung nerd na bobo." Tumawa lang siya doon. pero infairness ang cute niyang tumawa ha?
Di nalang ako umimik at nagtungo nalang sa saleslady at nag patulong kung ano bagay sa maganda kong mata na contacts. Tinanggal ko na yung mahal na mahal kong salamin at sinoot sakin yung contacts. Ang sakit pala sa mata. Hinanap ng mata ko si HOY pero wala siya nasa labas daw. Siya kasi mag babayad nito eh kaya hinahanap ko siya.
nakita ko siyang nakatalikod kaya tinawag ko siya.
"HOY! bayaran mo na." sabi ko
"Tsk o-oo.....na.." Sabi niya nung lumingon na siya. anong problema nito?
Nagpaiwan nalang ako sa labas nakakatamad na kasing mag lakad. Habang naghihintay ako sa labas napansin kong parang ang daming matang nakatingin sakin? di pala parang nakatingin talaga sila sakin. At puro mata ng mga kalalakihan. seryoso? ano bang meron sakin? may dumi ba ako sa mukha? Hala baka kung ano na yung pinag gagawa ni HOY saakin baka lalong pumangit lang ako.
"Tara na !." sabi niya pagkalabas niya ng store sabay hila sakin.
"Ano ba kamay ko oh.. Atsaka bakit ba ako tinitignan ng mga lalaki dito mas lalo mo yata akong pinapangit eh nakakainis ka.'' sabi ko habang pumipiglasa sa hawak niya sa kamay ko. Siya na nag bitbit ng napakaraming paper bag.
"You're so stupid." Sabi niya patuloy parin siya sa pag kakahila sakin
"Ano ba? bakit mo ba ako hinihila? siguro nahihiya kang kasama ako noh?" Sabi ko nung nakarating na kami sa parking lot.
wala siyang tinugon sa sinabi ko.
"Sakay na." Sabi niya nung binuksan niya na yung pintuan ng kotse niya.
"Sagutin mo muna ako. Nahihiya ka ba na kasama ako? kaya nagmamadali kang pumunta dito?" Sabi ko ng naka taas ang kilay.
Di siya umimik at hinila nalang ako sa loob ng sasakyan.
"Ano ba ang haragan mo talaga. Kaniinis. alam ko namang pangit ako kaya no need na gawin mo sakin yun. Tuloy pati mga lalaki kanina tingin ng tingin sakin." Nakabusangot kong sabi.
nakita kong napahilamos siya sa mukha niya
"Ang bobo talaga. Di sila tumitingin sa'yo dahil sa pangit ka." Sabi niya
"Then why?" tanong ko.
"Haist.. di mo ba napapansin na gusto ka na nilang hubaran sa tingin." Sabi niya sabay start ng sasakyan.
"Anong hubaran? HOY-"
Di na natapos ang sasabihin ko.
"Dahil maganda ka sa paningin nila. You are pretty."
Sabi niya ng di nakatingin sa akin. Biglang uminit yung pisngi ko. hala? nabibingi na ba ako dito o tama yung narinig ko?
"M-maganda? ako?"
ginulo niya yung buhok niya at pinaharurot ang sasakyan.
"Hindi ako nagsisinungaling... At damn.Please wag kang mag make face ng ganyan. may sumusikip sakin fvck."
Ginulo niya ulit yung buhok niya. Pero seryoso? tama ba ang dinig ko? Waaaaaaaahhh.. Magnda daw ako? medyo kinilig ako doon pero hindi sa part na may sumisikip sakanya. ang perv parin niya.