02

1448 Words
Nang mga sumunod na araw hindi na muling bumisita ang kaibigan ni Avi. Kaya naman ilang araw na siyang Bagot na Bagot. Ang aniya ay babalik ito sa araw ng huwebes ngunit pangalawang sabado na at wala pa ito. Napanguso si Avi, hindi naman ito mi minsang ganoon ang agwat ng pagbisita sa kanya. Siguro ay busy pa talaga ito sa OJT nila dahil katatapos lamang ng foundation week nila. "Ma'am, heto na po ang juice mo." ani ng kasambahay na nakasanayang nagdadala ng pagkain niya sa silid nito. May mga bisita kasi ang kuya Viron niya at kailangan niyang pumanhik sa loob dahil makikita nila ito. Hindi naman na iyon bago kay Avi. Matagal na itong sanay, na sa tuwing may panauhin ang pamilya ay aakyat siya at mag tatago. "Paki Lagay nalang po diyan sa may lamesa." hindi na ito pinag tuunan ng dalaga dahil busy ito sa pag babasa ng nobela. Hindi pa niya sinubukang humingi ng cellphone sa kuya niya, wala naman siyang pag gagamitan nun Kaya hindi na niya tinangka. Isa pa, ay takot siyang mapagalitan ng kapatid. Masyado itong strikto pag dating sa kanya. Tatlong pahina na lamang ang natitira sa librong binabasa niya pero hindi pa din dumadating ang kaibigang si Mari. Hindi niya namalayang napa idlip na pala siya kakabasa ng nobela. Nang magising ito ay madilim na. Pwede na siyang bumaba. Nag bihis muna ito ng ka yang Pajama bago bumaba sa sala nila. Wala ng katao tao nang naka baba ito. Hindi nito kinain ang hinatid na meryenda kaninang alas tres Kaya naman kumakalam ang bituka niya. Gutom na gutom na ito. Binuksan nito ang refrigerator at nabuhayan ang loob nang makitang may macaroni salad. Ito lamang ang pu-pwede niyang kainin. Hindi naman siya maalam sa pag luluto maging nga ang pag bukas ng kalan ay hindi niya bisto. Hindi siya sinanay ng Ama at kapatid sa mga gawaing bahay. Tanging ang common sense lang ang mayroon siya. "Ma'am, pasensya na po. Hindi ka po kasi makatok kanina kaya hindi ka po na in nahatiran." Ani ng kasambahay na hindi pamilyar kay Avi. May katandaan na din ito. "Nakatulog po kasi ako, okay lang po." Sagot ni Avi rito. Mukhang matagal na ang ginang pero hindi niya ito madalas nakikita sa tuwing lumalabas siya ng silid niya. Sa palagay niya ay ito ang cook nila. Hindi nagtagal si Avi sa kusina at kaagad ding pumanhik. Inayos muna nito ang nagulong kama dahil sa pagulong gulong ito kanina sa inis mula sa kaibigang si Mari. Kinaumagahan naman ay maaga siyang pinagising ng kapatid. Ang nakasanayan niyang kasambahay ang pumasok sa silid niya. "Nakahanda ka na?" Tanong ni Viron sa kapatid nang babain siya nito sa may Foyer. Tumango ang dalaga bilang pag sang ayon. "You're getting old, you now know how to dress fine." komento nito sa bestidang puti na suot ng kapatid. Sakay ng mamahaling Jeep ay nagtungo sila sa isang Lugar na iilan lamang ang tao. Buong biyahe nga ay naka tuon sa labas ang mga mata ni Avi. Nag mamasid sa magandang tanawin. Hindi niya mapigilan ang mamangha sa bawat tanawin na nilalagpasan nila. Para itong nasa isang nobela. "Saan tayo pupunta kuya?" Hindi na napigilan ni Avi ang tanungin ang kapatid kung Saan ang tungo nila. Sa palagay niya ay hindi ito basta bastang mapupuntahan nino man. "I'll let you live alone." aniya at sumulyap sa akin. "Ipinapalipat ka nila lolo, uuwi sa mansyon ang daddy." Hindi mapigilan ni Avi ang malungkot. Tiyak ay hindi alam ni Mari kung Saan ang Lugar na ito. Hindi na ito makakabisita sa kanya. "P-paano po ang mga gamit ko?" imbes na si Mari ang sabihin niya ay ang gamit na lamang niya ang inalibi nito. "Ipapahatid na lang ang Ibang mga gamit mo, for now you have to stay here. You're all grown up, kaya mo naman na siguro ang mag isa dito Avi." Bilin ni Viron sa kapatid na si Avi. Avi can't help but to bite her lower lip. She's hurt. No, hurt cannot define how bad her feeling is. Grabe ang kirot ng puso niya. Naluluha ito sa isiping tila ba ito basura na magaan lamang sa bawat dibdib nila ang itapon at malayo sa kanya. "P-pero, kuya I don't even know how to cook." This time, bumuhos na ang bawat patak ng luha ni Avi. "Linggo-linggong mag dadala ang mga tauhan natin ng ready made na kakainin mo. You will not also use your name, you are free to go out. If you'll see us around, don't approach us." marami itong binilin ngunit hindi na niya ito inalintana. Ang nasa isip na lamang niya ay sana hindi na lamang siya iniluwal ng ina niya. May iniabot itong folder, naroon ang ilang mga impormasyon niya. Avi Crisologo, anak ng mag asawang namayapa dahil sa car accident. Marami pa ang nakatala roon na puro kalokohan tungkol Di umano sa Avi. Oo nga at nakamit na nito ang kalayaan, nawalay naman ang pamilya nito sa kanya. Nasa isip na nito na kahit pa man ano ang mangyari ang hinding hindi niya ipag papalit ninoman ang pamilyang mayroon siya. Ngunit taliwas naman ang pamilyang kina bibilangan niya dahil handa nila itong I bargain sa kung ano man. "Sana naging bituin na lamang ako." Hindi mapigilang hiling ni Avi habang nakatingala sa kalawakan. "Bituing sa gabi'y nag nining ning at kagigiliwan ng lahat." Kanina pa itong nasa labas ng bahay na pinaghatiran ng kapatid niya sa kanya. Umaasang babalikan niya ito. Kaso, nalunod na ang haring araw at wala man lang ni anino ang lumitaw. Mabigat ang loob niyang pumasok sa loob ng bahay. Malawak ito. Sobra pa ang espasyo nito para sa limang katao. Mayroon itong apat na kwarto at bawat silid ay mayroong sariling banyo. Ang pinaka malapit sa may Main door ang napili niyang silid, ito na din yata kasi ang pinaka Malawak sa lahat. Kompleto na sa gamit ang bahay. Talagang ang taong may ari na lamang ang kulang. Kung isang normal na tao lamang siya ay masisiyahan siya sa laki at ganda ng bahay. Nang sumapit ang umaga ay saka siya nagkaroon ng oras na makita ang paligid. Mayroon siyang iilang kapitbahay pero mag kakalayo ang agwat. Pansin niya ang pagkaka parehas ng disenyo ng bawat bahay na naroon. Naisipan niyang libutin ang Buong bahay. Sa pag lilibot ay may nakita itong kahon sa isang silid. Nang buksan niya iyon ay mga bagong gamit. Mayroon pa ngang cellphone roon. Kaagad niya itong binuksan at gumawa ng mga social media accounts. Noong una pa ay hindi niya alam kung paano. Pinag igihan niya lamang ang pag babasa at pinahaba ang pasensya hangggang sa tuluyan na niyang magawa ang f*******: account niya. Wala nga itong nailagay na litrato. Pinakaunang ginawa niya ay hinanap ang account ng kaibigang si Mari. Alam nito ang social media name niya dahil palagi niya itong pinapakita sa tuwing magkasama sila. Hindi nagtagal ay nahanap na niya at iniwanan ng mensahe. "Ang tagal naman nitong sumagot." Reklamo ni Avi dahil nababagot na sa kakahintay kay Mari na tingnan ang mensahe niya. Kanina niya pa pinipindot pindot ang mensaheng pinapadala niya pero delivered lamang ang naka lagay sa ibaba nito. Binaba niya saglit ang cellphone at nagtungo ng kusina, nag timpla ito ng juice. While mixing her juice, her phone rang indicating a text message. Dali daling dinampot ni Avi ang kakabang cellphone niya. Sa wakas ay may reply na ang Kaibigan. Nanginig pa nga sa kasiyahan ang mga kamay nitong nag titipa ng reply. Avi A. Hi Mari! This is Avi your friend! MariCar Landicho Hala legit? Para bombay ha? Avi A. What's bombay? Imbes na sagutin ito ni Mari ay tumawag ito sa kanya. Kaagad naman niya itong sinagot. "Hoyyy! May cellphone kana? Tapos may f*******: ka pa?! Galling ah!" malakas na bungad niya kay Avi. Sa gulat ay nailayo ni Avi mula sa tainga ang cellphone. Parang sasabog ito kung hindi niya ilalayo. "Uh, yes." aniya at nag kwento sa angyari sa araw na iyon. Naitanong pa nito kung nasaan siya pero hindi niya masagot. Nang I describe naman niya ang paligid for a clue ay nasa Ayala Heights daw ito. May pagka eksklusibong compound daw ito. Mahal ang lupa kaya iilan ang nakatira. Sabi pa niya ay malayo na ito sa probinsiya pero malapit naman daw ang College School kung saan siya nag aaral. Nakwento pa nito ang dahilan kung bakit siya hindi nakabjsita na ilang araw. Nag transfer pala siya ng school at May bagsak na grade. Inaasikaso pa daw nga niya kung paano ang OJT niya. Ang Ani ni Mari ay lilipat daw ito sa isang restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD