Chapter 14 Lucio's Pov “Alex aakyat muna ako sa taas pupuntahan ko mga bata muna.” Paalam ko sa kanila. " Sige brad magpahinga na din kami pagkatapos nito. Matulog ka din lasing ka na din." Wika ni Alex sa akin. " Bukas na lang tayo magkita.” Wika ko sa kanila. Dahan-dahan na akong naglakad para pumunta sa taas. Medyo nahihilo na ako sa kalasingan ko hanggang nakarating na ako sa taas. Binuksan ko ang kwarto ng biglang napabagsak na ako sa harap ng pinto. “Ano kayang ingay yun?” Sambit ni Veda saka nagtungo agad sa labas ng pinto. "Ninong!” Sigaw niya hanggang tinulungan niya akong pinabangon. "Veda bakit gising ka pa?” Tanong ko sa kanya. " Hindi pa kasi ako inaantok ninong halika tulungan kita papasok sa loob ng kwarto mo po.” Wika niya sa akin. Tinulungan niya ako saka inalala

