Chapter 5
Veda's Pov
Wala akong lakas para tumayo pagkatapos kawalanghiyaan nagawa ng pinsan ko. Hindi ko na alam gagawin ko para makatakas ako sa impyerno ng buhay na ito. Iyak ako ng iyak habang nagbibihis ako. Nandidiri na ako sa sarili ko dahil sa ginawa sa akin ni Banjo. Wala na kasi akong matakbuhan na ibang kamag anak kundi sila lang. Habang buhay na ata magging impyerno ang buhay ko.
Kahit masakit ang aking katawan ay iniisip ko pa ang pinapautos ni tsang Nenita sa akin baka ako'y mapagalitan. Nang naka bihis na ako ay lumabas ako sa kusina at dahan-dahan kung binuksan ang pinto.
‘’Saan ka pupunta ?’’ tanong ni kuya Banjo sa akin biglang lumitaw sa likod ko.
‘’Inutusan kasi ako ni tsang magbabayad ng meralco kailangan kong bayaran ngayon.’’ Sagot ko sa kanya
“Huwag kang magtagal doon umuwi ka agad pagkatapos." Bilin niya sa akin.
Hindi na ako umimik sa kanya at saka umalis na ako agad.
Naglakad na ako sa kalsada papunta sa sakayan.
Nagmamadali din si Lucio lumabas ng bahay at pinaandar ang kanyang sasakyan papuntang bayan. Habang nagmamaneho siya ng kanyang sasakyan ay biglang nag ring ang kanyang phone.
Nakita niya tumatawag ang kanyang anak na si Ashley.
“ Hello baby napatawag ka?" Tanong ni Lucio sa kanyang anak.
“Daddy kailan mo ako susunduin dito?" Tanong ng kanyang anak sa kanya.
“Tomorrow baby susunduin na kita dyan." Sagot ni Lucio sa kanyang anak.
" Promise daddy pupuntahan mo ako dito?” Tanong niya ulit sa kanyang daddy.
"Yes, I promise baby pupuntahan kita dyan. Magpapa haircut muna si daddy baby. I will call you Ashley later.” Wika ni Lucio sa kanyang anak.
Nagpatuloy sa pag drive si Lucio papuntang bayan. Nagmamadali na siya nagmamaneho para pumunta sa Barbershop.
Pumasok siya agad sa loob at umupo saglit.
“Good afternoon sir.” Sabi ng barbero
“ Magpapa haircut sana ako.” Wika ni Lucio
“Anong style sir?” Tanong ng barbero
“Yung babagay sa akin. Ikaw na ang bahala.” Wika ni Lucio sabay ngiti sa kanya.
“Okay sir.”Sagot ng barbero.
“Dito po sir gugupitan ko na po kayo.” Wika ng barbero kay Lucio.
Nagtungo si Lucio sa gitna at umupo na para gupitan.
“Para po dito na lang po ako manong.” Wika ko sa mamang driver ng jeep.
Agad akong bumaba ng jeep at nilakad papunta sa Meralco. Pumasok na ako agad para mag bayad na sa loob.
Ilang minuto din akong pumila natawag din ako agad saka dali-dali akong lumapit na din sa counter para mag bayad. Nang naka bayad na ako ay lumabas na din ako.
“Bagay na bagay sayo yung gupit sir mukhang bata na kayo dito. Maslalo kayong gumwapo sa gupit nyo sir.” Wika ng barbero
“Salamat. Ito bayad at tip mo." Wika ni Lucio sa na gupit sa kanya.
Tumayo siya saka lumabas ng barbershop. Habang naglalakad siya sa labas ay huminto muna siya dahil may ka text siya sa phone niya.
Nagmamadali na akong naglalakad habang nilalagay ko ang barya sa wallet ng nabangga ako sa isang lalaki naka talikod.
“Ohhh! Oppssss!” Reaction ni Lucio ng natamaan siya sa likod niya ng makita niya naka bunggo sa kanya.
“Arraaayyy!” Ani ko ng na pasubsuob ako sa likod at nakayakap sa lalaking nabangga ko.
Napatingin ako bigla sa kanya ng napayakap ako sa kanya.
“Sorry po sir hindi ko po nakita dinadaan ko po!” Paumanhin kong sabi sa kanya.
“Miss hindi mo kasi tinitignan dinadaanan mo.” Wika ng lalaking naka bangga ko.
Napatingin ako sa kanya at napatingin din siya sa akin.
Nakita ko ang napakagwapong lalaki sa harapan ko na mas matangkad pa sa akin.
“Miss,your face looks familiar? Have we met before?” Tanong ng lalaking nakabanggaan ko
Hindi ko alam kung ano sinasabi niya tapos ini english niya pa talaga ako.
“Parang kamukha mo yung kababata ko ko dati kamukhang kamukha mo talaga siya noong mga teenager pa kami. Wait, name niya ata Fe..” Sabi ng lalaking nasa harapan ko na inaalala ang name na sinasabi niya
Parang kilala ko ata sinasabi niya iniisip niya ngayon.
“Baka Fenilope po sir kilala nyo po ba mama ko?” Tanong ko sa kanya.
“Oo si Fenilope nga nasaan na siya ngayon? Ikaw ata yung batang dala- dala niya noong nagkita kami at inaanak ko sa binyag.” Wika niya sa akin.
“ Wala na po si mama matagal na po siyang patay.” Wika ko sa kanya.
“Ano bakit? Anong nangyari kay Fenilope?” Tanong niya sa akin.
“Nagkasakit po si mama may cancer siya stage 4 kaya hindi niya nakayanan po. Paumanhin ano ba pangalan nyo sir?” Tanong ko sa kanya.
“Ako pala si Lucio Salvador ninong mo ako. Baka gusto mong kumain treat kita.” Wika niya sa akin.
Biglang tumunog ang sikmura ko agad mukhang gutom na din ako.
“Alam ko gutom ka na naririnig ko sikmura mo. “ Wika niya sa akin.
Nahiya ako bigla sa sinabi niya sa akin.
“Halika na malaki na din utang ko sayo ilang pasko at bday hindi kita nabibigyan dahil hindi ko mahagilap mama mo dati.” Wika niya sa akin.
“Sige po narinig nyo pala ang tunog ng sikmura ko.” Ani ko.
“Halika na para makipag kwentuhan tayong dalawa. “ Wika ni ninong Lucio sa akin.
Naglakad kami dalawa hanggang nakakita siya ng restaurant.
“Dito na tayo halika pasok na. Wika ni ninong Lucio sa akin.
Pumasok kami sa isang restaurant at nag hanap si ninong Lucio ng bakanteng table.
“Dito na tayo.” Wika niya sa akin.
“Waiter.” Tawang ni ninong Lucio
“Yes sir, here's the menu.” Wika ng waiter na nag asikaso sa amin.
“Ano nga name mo iha?” Tanong niya sa akin
“ Veda po.” Sagot ko sa kanya
“Veda order ka na anong gusto mo treat ko sayo.” Wika niya sa akin.
Nakatingin ako sa menu nagulat ako sa mga presyo bawat order.
“Oh anong nangyari sayo dyan Veda? May napili ka na ba?” Tanong niya sa akin
“ Ninong parang sobrang mahal naman ata dito okay na ako sa mumurahin na pagkain po.” Wika ko sa kanya.
“No, sige na order ka na ako na bahala sa bayad.” Wika niya sa akin.
Nag order na lang ako ng pasta dahil matagal na akong hindi nakakakain nito at fried chicken.
“May order ka na Veda?” Tanong niya sa akin..
“Pasta at fried chicken na lang po order ko.
“O bakit yan lang?” Tanong niya sa akin.
“Okay na po ako yan ninong sapat na yan sa akin. Namiss ko lang kasi si mama noong lagi niya ako niluluto ng pasta at fried chicken.” Sabi ko sa kanya
“Alam mo kamukhang kamukha mo mama mo. Ano ba sakit niya bakit ganun nangyari?” Tanong niya sa akin
“Lungs cancer po ninong napabayaan po kasi niya kaya lumala po. Hindi ko nga matanggap pagkawala niya po ninong. Lalo na’t nakulong pa si tatay ngayon mag isa na lang din ako sa buhay.” Kwento kay ninong Lucio.
“Ano pati tatay mo nakulong din bakit ano din nangyari sa kanya?” Tanong ni ninong Lucio sa akin.
“Nadawit kasi siya sa pagpatay sa isang businessman po kaya nakulong si tatay sa Maynila.” Kwento ko sa kanya
“Saan ka nakatira ngayon?” Tanong niya sa akin.
“Sa kapatid ni tatay po.” Sagot ko sa kanya
“Ganun ba! Ang bilis ng panahon dati nagkita kami ng mama mo karga karga pa kita ngayon napaka ganda mo ng dalaga ngayon Veda.” Sabi niya sa akin.
“Salamat po ninong Lucio.” Wika ko sa kanya
“Ilang taon ka na pala ngayon Veda?” Tanong niya sa akin.
“19 po ninong mag 20 na po ngayon September po.” Wika ko sa kanya.
“Dalaga ka na talaga kasing ganda mo din mama mo.” Wika niya sa akin.
“Ah ito na pala order natin.” Wika ni ninong Lucio
“ Parang andami nyo po atang ni oder na pagkain ninong?” Tanong ko sa kanya
“Sinadya ko talaga huwag kang mahiya Veda kumain ka ng marami.” Wika niya sa akin
“Salamat po ninong.” Pangiti ko sa akin
Habang kumakain kami patingin tingin si ninong sa akin.
“ Kayo po ninong may anak at asawa po din kayo?” Tanong ko sa kanya
“Meron may isa din akong anak at asawa pero ang asawa ko ka mamatay niya lang 2 months ago.” Malungkot niyang sabi sa akin.
“ Ano po! Sorry po sa tanong ko.” Wika ko sa kanya
“Condolence po sa inyo ninong. “ Ani ko
“Salamat Veda. Ang hirap nga tanggapin noong una mawalan ka ng mahal sa buhay hindi ko tanggap pero kung si lord na bumawi sa buhay wala na talaga tayong magagawa.” Wika ni ninong Lucio
“Kaya nga po ninong ang hirap tanggapin talaga po lalo na mahal mo sa buhay. Sagot ko din sa kanya.
“Anong ginawa mo ngayon nag aaral ka pa ba?” Tanong niya sa akin.
“Hindi na po. Hindi naman ako kayang pag aralin ng tsang ko. Tumutulong na lang po ako sa palayan sa pagtatanim.” Wika ko sa kanya habang kumakain pa kami.
“ Ano hindi ka na nag aaral sayang naman Veda. Tapos sa palayan ka nagtatrabaho. Dapat nag aaral ka pa ngayon.” Wika ni ninong Lucio sa akin.
“Hindi na po kailangan ko pong magtrabaho para sa pagtira ko sa kamag anak ko po.” Paliwanag ko sa kanya
Natapos kaming kumain ang nagkwentuhan na lang kaming dalawa.
“Nabusog ka ba Veda?” Tanong niya sa akin
“ Opo sobrang busog ko po ninong salamat po.” Wika ko sa kanya.
“Buti naman iha o ito pera mo baka need mo din.” Wika niya sabay abot niya sa pera sa akin.
“ Ninong huwag na po ni libre nyo na nga po ako dito tapos bibigyan nyo pa ako ng pera huwag na po Ninong salamat na lang po.” Wika ko sa kanya.
“ Tanggapin mo na Veda ito contact ko pag kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako Veda.”Wika niya sa akin.
Kinuha ko ang binigay niya na pera at contact number sa akin.
“ Salamat po ninong Lucio. Hindi na po ako magtatagal baka hanapin na po ako sa bahay mapagalitan pa po ako.” Pagpapaalam ko sa kanya.
“Sige Veda gusto mo bang ihatid na lang kita sa inyo.” Offer niya sa akin.
“ Huwag na po ninong salamat na lang po.” Wika ko sa kanya.
“ Mag ingat ka sa pag uwi Veda.” Wika niya sa akin.
“Salamat po ninong uwi na po ako.” Paalam ko sa kanya.