Chapter 11 Veda's Pov Pinuntahan ko si Ashley sa kanyang kwarto. “Ashley okay na ba dadalhin mo? Gusto mo bang tulungan kita dyan?” Sabi ko sa kanya sabay katok sa kanyang kwarto. “Okay lang ako ate Veda baba na din ako." Sigaw ni Ashley na nanggagaling sa loob ng kanyang kwarto. “Okay baba na ako dadalhin ko na mga gamit ko.” Sabi ko sa kanya. “Okay ate Veda." Sagot niya sa akin.. Bumaba na ako dala-dala ang bag kong dadalhin sa pag swimming namin. “Oh Veda ready ka na ba mag swimming?" Tanong ni ninong sa akin.” " Opo ninong ito na po dadalhin ko.” Wika ko sa kanya. “Happy birthday Veda." Bati ni ninong sa akin. “Salamat po ninong." Pangiting sagot ko sa kanya “Adult ka na talaga ibang iba ka na noong una pa kitang nakita.” Wika niya sa akin. "Nagpapasalamat po ako sa iny

