Chapter 22 Veda's Pov “Hala! Nakatulog pala ako! Mag ala sais na pala!” Ani ko Dali- dali akong bumangon sa higaan para magluto ng hapunan namin. Habang pababa na ako ng hagdanan naririnig kong may kumakalabog sa kusina. Pinuntahan ko agad ito at tinignan. Nakita ko may nakahanda na sa mesa na pagkain. Nakita ko si Ninong galing sa loob dirty kitchen may dalang plato na may laman ulam. “Oh gising na pala isang baby ko!" Sabi niya habang palapit sa akin. “Sorry nakatulog pala ako. Hindi ko namalayan ang oras.” Sagot ko sa kanya " Okay lang alam ko naman pagod ka Veda.” Sabi ni Lucio habang inilapag ang dala-dalang ulam . " Si Veda hindi pa ba gising?” Tanong ko sa kanya. "Hindi pa gigising ko pa siya para kumain.” Sagot naman niya ng humarap sa akin. "Ako na ang gigising sa taas.

