“AYA, nandiyan na si Brett. Hindi ka pa ba tapos mag-ayos? Baka mahuli kayo dadaan ka pa kila Jena hindi ba?” tawag kay Aya ng mama niya.
“Andiyan na!” sagot niya. Muli niyang tiningnan ang sarili niya sa salamin. Nakasuot siya ng pink na bestida. Maayos na ang make-up niya at ang buhok niya ay nakaayos. Pagkatapos makuntento sa repleksiyon niya sa salamin ay lumabas na siya ng silid niya.
Naabutan niya si Brett na nasa kusina kasama ang papa niya at si lolo Mel na umiinom ng kape. Brett looks gorgeous even in black slacks and plain white tshirt. Ngumiti ang mga ito sa kaniya. Gumanti siya ng ngiti at lumapit sa mga ito kasabay ng pagbati sa mga ito. Humalik siya sa pisngi ni Brett. “Nasaan ang barong mo?”
“Nasa kotse. Let’s go?” aya nito na tumayo na rin.
“Okay, alis na ho kami,” paalam niya sa mga ito pagkuwa’y napatingin kay lolo Mel. “Bakit nga pala kayo nandito lolo Mel?” takang tanong niya.
Ngumiti ang matanda. “May pag-uusapan lang kami ng mga magulang mo. Besides, matapos ang lahat ng naitulong nila sa akin para maayos ang buhay ng apo ko at sa pagpayag nila na ibigay ka sa apo ko ay malaki ang utang ko sa kanila.”
Tumawa ang papa niya. “Aba boss hindi madali para sa akin na ibigay kung kanino ang anak ko. Kaya nga ng ang hingin mong pabor ay ang ipareha si Aya sa apo mo ay medyo nagdalawang isip pa ako. Mabuti na lang at naging maayos ang lahat.”
Natigilan siya at napamaang sa mga ito. “Ano?” magkapanabay pang tanong nila ni Brett.
Tila naman narealize ng mga ito ang sinabi ng mga ito. Si lolo Mel ay natawa. “Ah, the truth is, I wanted Brett to find someone who he will love the same way I did to Damon and Lettie. Dahil alam kong may anak sila Armando at malaman kong ikaw iyon ay hiningi ko ang permiso ng mga magulang mo na ipareha ka sa apo ko. Kaya ko siya pinatuloy rito. At ang rason kung bakit ko ibinalik na sa kaniya ang lahat ay hindi lang dahil nakiusap ang mga magulang niya sa akin kung hindi dahil nakita kong nalaman na niya ang gusto kong maututunan niya. To love someone unconditionally and to find what is most important to him. Ikaw iyon Aya. I am a good matchmaker you see?” anitong sinamahan pa ng halakhak.
Nagkatinginan sila ni Brett. Marahil kung noong umpisa sinabi ng mga ito ang tungkol doon ay baka nagalit siya. Pero iba ang kaso ngayon. She loves him. Mukhang ganoon din ang iniisip ni Brett dahil ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya.
“Naku hindi pa kayo umaalis? Sige na at lumakad na kayo,” taboy naman ng mama niya sa kanila.
Nagkatinginan sila ni Brett bago tumalikod sa mga ito. Bago nila maisara ang pinto ay tila narinig pa niya ang sinabi ni lolo Mel. “Ngayon, pag-usapan na natin ang kasal ng mga bata.”
Napatigil siya at ganoon din si Brett. Pagkuwa’y nagkatinginan silang dalawa. “Narinig mo ba ang narinig ko?” tanong niya rito.
Napakamot ito sa ulo. “Well, uh, I told them while we were waiting for you that I wanted to marry you. Masyado talagang madaldal si grandpa. Nalaman mo na bago ako makapagpropose,” anitong may bahid ng inis.
Napahagikhik siya at niyakap ito. “Okay lang. Kunwari hindi ko narinig,” biro niya.
Natawa ito at hinawakan siya sa baywang. “Tara na nga bago ako may magawa sa iyo na magpapalate sa atin.” Natawa siya at magkaagapay silang nagtungo sa kotse nito. Sa araw na iyon ang kasal ni Jena. Bigla niyang naisip na noong unang sabihin ni Jena na ikakasal na ito ay namomroblema pa siya kung may masasama siyang date. Ngayon ay mayroon nga siyang kasama. At ikakasal na rin siya. Kunwari nga lang hindi pa niya alam. Hindi na napagkit ang ngiti niya.
Nang makarating sila sa simbahan ay marami ng tao. Agad nilang nakita si Lettie at ang asawa nitong si Damon. Dahil malapit na itong manganak at malaki na ang tiyan ay hindi na ito nagabay sa kasal ni Jena. Nagkumustahan si Damon at Brett na mas maayos na ang relasyon mula nang magdesisyon si Brett na magtrabaho na sa Valencia Furnitures. Ngayon ay ito na ang Vice President for Operations na nalaman niyang matagal na palang nakalaan dito. Iniwan niya si Brett sa mga ito at agad na bumalik sa labas ng simbahan upang hintayin si Jena.
Naabutan niya roon si Woody. Nang makita siya nito ay ngumiti ito. Halata sa mukha nito ang kaba. Kinunutan niya ito ng noo. “Bakit ninenerbiyos ka diyan?” takang tanong niya.
Tumawa ito. “Not nervous. I think I am excited,” sabi nito. Natawa siya. Noon naman niya natanaw ang bridal car. “O pumasok ka na sa loob Woody nandiyan na ang bride mo,” aniya rito.
Tinapik siya nito sa braso. “I’ll leave it to you Aya.” Tumango siya at sinalubong si Jena.
Napangiti siya nang makita kung gaano kaganda ang kaibigan niya sa suot nitong wedding gown. “Ang ganda mo,” puri niya rito.
Ngumiti ito at humawak sa kamay niya. Malamig ang kamay nito. Mukhang gaya ni Woody ay kabado na excited din ito. Napangisi siya. “Kabado ka rin pareho kayo ng groom mo,” biro niya rito.
Tumawa ito. “Mararamdaman mo rin to pag kinasal ka na.”
Tumamis ang ngiti niya. “Malapit na.”
Nanlaki ang mga mata nito. “Talaga?” Tumango siya. Napahagikhik silang pareho
Sandali pa ay nagsimula na ang seremonya. Habang nagsasabi ng wedding vow si Jena at Woody ay hindi niya napigilang sulyapan si Brett na nasa kabilang aisle lang niya. Nakatingin din ito sa kaniya. Nang magtama ang mga mata nila ay ngumiti ito. Then he mouthed I love you. Napangiti siya. Noong estranghero pa lang ito sa kaniya hindi niya naisip na kaya nitong magpakacheesy ng ganoon. Pero habang tumatagal na nakikilala niya ito ng husto, marami itong katangian na lalong nagpapalalim ng nararamdaman niya para dito.
Gumanti siya ng I love you dito. Pagkuwa’y napasulyap siya kay Lettie at Damon sa bandang likuran. They too, look so in love with each other. Muli siyang bumaling sa harapan kung saan naglalagay na ng singsing si Jena at Woody sa isa’t isa. Malawak siyang napangiti. Lahat silang magkakaibigan ay nakuha na ang kaligayahang hinahanap nila. At last.
~END~