Chapter 146 Cataleen’s Pov ILANG araw ang nagdaan simula nang managinip ako ay palagi nalang sumasakit ang ulo ko. Nag-aalala na ang asawa ko at balak na niya akong dalhin sa hospital para masuri ang ulo ko. Ngunit ako ang nagmatigas na wag dahil natatakot ako na baka may mangyari sa aking masama. Pabalik balik kasi ang panaginip ko na nasaksak ako sa tiyan hanggang sa magigising nalang ako na pawis na pawis ako at takot na takot. Yun lang palagi ang scene ng panaginip ko kaya malakas ang kutob ko na ‘yun ang nangyari sa akin nong huli akong nawala. Kaya siguro ako may saksak sa tagiliran. Hindi ako makapaniwala na may mga taong mananakit sa akin. Babae ako at sa panaginip ko ay bagong panganak ako. Nagawa nila akong saktan kaya sigurado akong mga demonyo sila. Nakaupo lang ako di

