Chapter 78 Cataleen’s Pov NAKABIHIS na ako at inalalayan ako ng asawa ko na humiga sa kama. Hindi na niya ako pinapansin dahil nakasimangot na ako. Tawagin ba naman akong bobo ng animal. Wala talaga siyang kasweetan sa katawan. Nakakainis na talaga ang ugali niya. Ang sarap niyang ibalik sa tiyan ng nanay niya. Akala ko ay aalis na siya at babalik na naman siya sa mga tauhan niya. Baka may second round na naman yata ang galit niya sa mga tauhan niya. Sigurado akong mumurahin na naman ako ni Claw kapag nagkita kaming dalawa. Umupo si Remu sa gilid sa kama habang ako ay nakahiga sa kama. Nakaharap lang ako sa kanya habang nakahiga sa kama. Nakatitig lang siya sa akin at hindi nagsasalita. “Bakit ganyan ka makatitig sa akin? Anong tumatakbo sa isipan mo?” Tanong ko sa kanya. “Akala

