Chapter 120 Cataleen’s Pov NAGULAT ako nang dumating si Claw sa bahay. Muntik na akong mag book ng masasakyan namin ni Diane pero dumating ang binata at sinabing inutos daw ni Remus na siya daw ang magiging driver namin at siyang magbabantay daw sa akin. Hindi na ako nagreklamo pa dahil okay na rin sa akin na nandito si Claw dahil pabubuhatin ko siya mamaya kapag may nabili ako. Hindi naman kasi pwedeng si Diane ang magbuhat. Paano pala kung marami akong binili, eh ‘di nahirapan si Diane sa akin. Agad akong naglakad papunta sa kotse na ihinanda ni Claw. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan sa backseat. Agad naman akong pumasok sa loob ng kotse at nagpasalamat kay Claw. Isinara niya ang pinto. Nakita ko pa si Diane na binuksan ang pintuan ng passenger seat saka siya pumasok. Mukhang

