Chapter 128 Cataleen’s Pov MASAYA ANG lahat sa pasko, kumpleto kaming lahat. Nakilala ko din ang iba pang mga tauhan ni Remus. Okay din sa akin ang plano ng asawa ko na magpa party. Nalaman ko kay Claw na hindi pala sila nag cecelebrate ng pasko dito pati na New year. Ganun ka lonely ang buhay ni Remus. Ngayon lang daw talaga sabi ni Claw. Ibig sabihin malaki ang pinagbago niya simula nang dumating ako sa buhay niya. Dumating din si sir Hadeon kaya mas lalong naging masaya ang pasko. Mukha kasi siyang clown. “Congrats, sister in law ha!” Sabi pa ni sir Hadeon sa akin. “Hulog ka talaga ng langit para sa akin.” Dagdag niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko. “Paano naman ako naging hulog ng langit sayo?” Nagtataka kong tanong. “Kasi.. binigyan mo ng tagapagmana ang kapatid ko. M

