Unang dumating sa mansion si Maam Kittie. Agad akong tinawag ni Nanay Sofie para ipakilala sa aking among babae. Nangangatog ang aking mga tuhod dahil perstaym kong makisalamuha sa mga mayayaman. "Garlic, magmagandang loob ka kaagad kay Maam Kittie, ha," paalala ni Nanay Sofie sa akin nang papasok na kami sa sala. "Opo Nay, kinakabahan ako. My heart is dancing and my tuhod is trembling," agad kong sabi sa kaniya na nanlalamig ang aking kamay. "Naku, huwag kang kabahan. Just relax yourself," sabi pa niya sa akin. Nasa pintuan pa lamang si Maam Kittie ay agad ko na siyang sinalubong. "Good afternoon, Meow, meow, ay este Maam Kittie." Tinapunan niya ako ng mapagtakang tingin. Agad namang sumabad si Nanay Sofie dahil hindi niya inakalang nauna pa ako sa pagbati kay Maam Kittie. "Good af

