Garlic's POV Nagulat ako dahil hindi ko inakalang humabol ang mga ibang ninang. Ang aming dean sa College of Finance and Management na si Dr. Michelle Sobrado ay nandito rin. Nakasuot siya ng simpleng puting gown. Ang ganda ng pagkakakulot ng kaniyang buhok. Si Miss Mhalou Gallardo, ang vice president ng Aringkingking Resort and Restaurant ay napasama rin. Napaka-elegante niyang tingnan sa Venus-style na gown. Nasa tabi niya ang napakagandang may-ari ng Biyakin Mo sa Gitna Motel, si Miss Chenlyn Tinoy. Wow naman, ang saya-saya. Hindi basta-basta ang mga ninang namin. Ang bobongga, mga sikat at yayamanin. Siguradong bongga rin ang mga regalo ng nga ito sa amin mamaya ni Sir Peanut. Mayroon kayang magbigay ng libreng ticket, trip to Hongkong? Napangiti ako sa isiping iyon. Tapos na ri

