Umiling ako. Hindi ako pipirma kahit na anong mangyari. "Ang tigas mo. Gusto mo talaga ng mahabang proseso. Pero ito ag tatandaan mo, wala kang magagawa dahil kilala sa lipunan ang binangga mo!" Mariin niyang pinahaging sa tainga ko ang pagkakasabi niya. "May sinumpaan po kayo sa pagiging pulis ninyo, Sir. Alam ninyo ang tamang proseso sa mga ganitong sitwasyon. Ano ang karapatan ninyong diktahan ako sa kung ano ang gagawin ko? Hintayin ninyo ang abogado ko at siya na ang magpapaliwanag sa side ko," mariin ko ring sagot sa kaniya. "Huh? Abogado? Wala kang maaasahan kaya kung ako sa 'yo. Pumirma ka na at aminin mo ang krimeng ginawa mo." "Para sa ano ang pipirmahan ko? Ganiyan ba ang gawain ninyo sa mga kagaya naming walang kapit sa lipunan? Sumumpa kayong magserbisyo nang tapat para s

