Pinainom ako ni Nay Sofie ng maligamgam na tubig at saka pinahiran ng liniment ang aking leeg at ilong kaya hindi naman natuloy na hinimatay talaga ako. "Okay ka na ba, Garlic? Ano ba ang dinaramdam mo?" pag-aalala niyang tanong sa akin habang sapo niya ang aking noo. Nasa loob kami ng aking kuwarto. Siguradong dito niya ako dinala kanina nang muntikan na akong himatayin. Agad akong bumangon sa pagkahiga nang mahimasmasan na ako. "Ano po ang nangyari, Nay?" Pinikit-muklat ko ang aking mga mata. "Muntik ka nang himatayin. May masakit ba sa iyo? Naku, kinabahan ako sa iyong bata ka." "Ay wala po ito, Nay, okay na po ako." Pero ang totoo sumakit talaga ang ulo ko sa mga kuwento niya sa akin, sa mga taong nakasasalamuha ng mansiong ito, lalong-lalo na ang mga pangalang laman na yata ng g

