Chapter 31

2170 Words

Pagkatapos ng show ay nilapitan ako nina Tiya Sonita at ng mga kasamahan niya pati na rin sina Nay Sofie at ang mga Ateng. Ipinakilala na rin ni Atoy ang mga ito sa aking tiyahin. Halos ginabi na rin kami ng uwi dahil sa dami ng litratong kinuha sa amin ng estasyon. May mga interview din ako mula sa mga reporter. Feeling ko talaga sikat din ako. "Ano ang pakiramdam dahil ikaw ang nanalo sa Maid from the Provinces Show?" tanong ng isang lalaking reporter. "I happy the result of the show. Me Garlic Habonito like to say thank you to my fans club, Science Club, English Club, Filipino Club at Night Club!" dagli ko pang sagot sa kaniya at napatawa pa siya. "Wow, so talagang proud ang probinsiya ng Iloilo dahil napanalo mo ang show na ito. Ano ang sasabihin mo sa mga kababayan mo sa Iloilo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD