"H-hello?" agad ko namang sagot. "Si Atoy ba ito?" Boses babae ang nasa kabilang linya. "O-opo, ako po ito. Sino po ba sila?" "Si Tita Bith ito, Atoy naalala mo ba 'yong aleng tinulungan mo noon sa mall?" "Ah, opo, naalala ko po kayo. Napatawag po kayo, Maam, ah...Tita pala." "Naikuwento kasi kita sa asawa ko na tinulungan mo ako noong nabangga ako sa mall. Kaya ang sabi niya puwede ka raw maimbita na pumunta rito sa bahay para naman daw makilala ka nila ng aming anak. Alam mo, magaan kasi ang loob ko sa iyo. Pati yata ang anak ko nang ikuwento kita sa kanila interesado rin silang makilala ka." "Po? Nakakahiya naman po, Tita." "Huwag ka nang mahiya. Sabihin mo kung saang lugar ka ngayon dahil susunduin ka namin ng asawa ko. Naghanda ako ng hapunan at dito ka na rin kumain sa bahay."

