Garlic's POV Hindi ako makapaniwalang nasa paaralan na ako. Inihatid ako ni Sir Peanut sa una kong pagpasok. Nahihiya ako sa kabutihang ipinakita niya sa akin. Noong una ay nag-aalinlangan ako dahil hindi ako sanay sa ganitong klaseng paaralan. Pang-mayaman ito kaya hindi ako nababagay dito. May ilan din akong kaklaseng nagpapakita ng disgusto sa akin dahil mas matanda na ako sa kanila. Itinago ko ring isa na akong ina. Sa edad kong dalawampung taon, nasa second year high school pa lang ako pero sabi nga nila, walang edad ang edukasyon at walang edad sa gustong matuto. Panay pa ang englisan ng mga kaklase ko, palibhasa puro anak sila ng mayayaman. "Hey, Old Garlic. Why are you enrolled in this expensive school? Look at yourself, you are aged enough for a second year high school. You l

