Garlic's POV Nang gabing nangyari ang incident, lubos ang pasasalamat ko sa Diyos dahil nakaraos kami sa kamay ni Maam Vanilla. Masama mang isiping naging kabayaran ang buhay niya sa lahat ng pasakit na idinulot niya sa buhay ng mga Javier at sa buhay naming lahat, pero naging tahimik na rin ang loob namin dahil nawakasan na ang kaniyang kasamaan. Sobrang sama niya talaga at muntikan pang masira ang mga buhay namin. Ang tao pala kapag sobra ang galit, selos, inggit at kalabisan, wala talagang magandang patutunguhan. Si Maam Vanilla ay lumaking masagana ang buhay, professional, maganda, may pinag-aralan at masasabi mong ang lahat ay nasa kaniya na pero hindi pa pala sapat iyon sa kaniya. Dahil sa sobra niyang galit at selos sa akin at hindi matanggap na ang isang tulad kong hamak, ignora

