Hindi talaga ako nakatiis. Tinikman ko ang inumin ni Sir Peanut. Ang sarap pala kaso walang asukal at puro prutas lang ang inilagay kanina ni Nay Sofie. Iniwanan ko pa ng kunting laway. Luminga-linga ako at baka may nakakita. Wala naman siguro dahil wala naman ang mga Ateng. Hindi naman ito mapapansin ni Sir Peanut at hindi naman niya malalaman. "Pwe!" Naghakbang ako at nagtago sa gilid ng poste malapit sa may veranda at saka dinuraan ang basong may lamang shake. Inihalo ko pa ito gamit ang puting straw na inilagay ni Nay Sofie. "Sa ganitong paraan, makakaganti rin ako sa kasupladuhan mo, Sir Peanut!" sinasabi ng aking utak habang papalapit na ako sa amo kong mani at lihim na nangingiti. Nakatalikod siya sa akin habang nakaupo sa mahabang upuan na kulay puti. Ang kaniyang mga binti ay n

