Garlic's POV "W-what? I can't understand the tone of your saying!" gulat kong sambit kay Sir Peanut. Natawa na naman siya nang mapakla sa kaka-english ko. "You have to properly understand what I said, Garlic. Will you please listen very carefully?" mahinahon namang sabi niya sa akin. Walang himig ng galit ang kaniyang boses. Nakapapanibago. Tila hindi ako sanay na ganito siya makipag-usap sa akin. Dati-rati kasi ay lagi siyang galit at laging pang-iinsulto ang naririnig at natitikman ko mula sa kaniya. "I property understand but I no understand you saying to me that I no care-care my baby because I plan back to school this opening prayer," sagot ko rin sa kaniya. Ayokong magpatalo sa english niya. Ewan ko kung saang diksiyonaryo ko ba kukunin ang mga pinagsasabi ko. Bahala na. "What?

