Winter Pov. (Flowers) ”Class dismiss!” Iyon na yata ang salitang pinaka-gusto ko ngayong araw, para syang mahiwagang salaysay na nagustuhan ko at nais kong magdiwang, hindi ko alam kung bakit ang tamad ko ngayong araw. Nainis kasi ako dahil hindi ko man lang nakita si calix kaninang umaga, ngayong hapon at miryenda. Umaasa ako na baka magkita kami ngayong uwian, nakakaloka lang dahil matapos niyang magtapat tungkol sa nararamdaman nito ay hindi na siya nagparamdam, hindi rin naman ako nagreply ukol sa sinabi niya. Wala naman akong masabi. Ano ba dapat ang sabihin ko? I like you too, at payag akong manligaw ka. Nahihiya ako, wala akong lakas ng loob. Siguro kung sa personal nya sasabihin iyon ay may makakapa pa akong salita upang ikomento. ”Uuwi ka na?” tumango ako kay deborah, n

