Winter Pov. (help again) Automatikong mulat ang aking mata sa pagpatak ng alas siete, nais ko pa sanang matulog ngunit ayaw na ng aking mata at katawan. Sabado ngayon, wala namang klase at napaka-sarap humilata sa kama. Malamig ang simoy ng hangin, ilang araw na lang ay matatapos na ang setyembre. Palapit na ang pasko, at ang sembreak. Balak naming tumungo ng probinsya at doon ay mag celebrate, kasama sila tita raquel at ang amerikano niyang asawa na ama ni trixie. Nakakamis na rin magising sa probinsya na ang simoy ng hangin ay napaka-sariwa. Samantalang dito ay hindi ko masabi, nakaka-amoy ako ng usok. Hindi ko alam kung bakit usok at pumapasok iyon sa bintana. Tumayo ako, wala pa akong bra at hilamos ng sumilip sa bintana. Nakita ko ang kumpulan ng mga tuyong dahon na sinusunog sa

