VII.

994 Words
My Kuya's Assistant Chapter Seven Mamayang gabi na ang flight ko but I don't feel like going. Ewan ko ba. Matagal ko na rin naman 'tong plano pero parang gusto nang magbago ng isip ko. I have been bothered since last week, after Thomas and I kissed. I shouldn't but I couldn't stop myself. He's in love with someone else and he's been waiting for her. At wala naman akong panama doon. Nakadapa ako sa gilid ng pool, in my black bikini, habang wala lang. Nagpapalipas ng oras hanggang sa ipaalala sa akin ni Mom na oras na para maghanda ako kasi mali-late na 'ko sa flight ko. "Nandito ba ang Kuya mo, Jennica?" Sa sobrang gulat ko nang may magsalita, napagulong ako at bumulusok ako sa pool. Nagkakakawag ako na parang nalulunod tapos tumalon si Thomas at hinuli ako sa beywang. Ayun tuloy, nabasa na ang magara niyang suit. "You're alright now," sabi niya. "Oh,yeah," sabi ko at ikinawit ang mga braso ko sa batok niya."I fooled you. What made you think na nalulunod ako?" "You didn't fool me. You were swimming when you first saw me," Napataas ang kilay ko. "Eh bakit tumalon ka pa rin para iligtas ako?" "Because you wanted me to save you," Nag-init ang mga pisngi ko. "You have a choice, though," "Do I?" "You told me you're going to avoid me," "Salamat sa pagremind," at binitiwan na niya 'ko. "Kakaalis lang ni Kuya," "Thank you, Miss Jennica," at umahon na siya. "Papa'no ka ngayon?" "Aalis. Magpapalit," at tinanguan niya 'ko."Have a safe flight," Mariin akong napapikit. Sana pagbalik ko, Thomas, 'andiyan ka pa rin. *** "Little sister?" Napa-make face ako. "Kuya, I am already twenty-four. Why are you still calling me little sister?" "Twenty-five, twenty-six, thirty, whatever your age is, you will always be my little sister," Na-touched naman ako sa thoughtfulness ni Kuya. Ito talaga ang nami-miss ko sa kanya for three years that I'm far from home. "And I love you for that, Kuya," "I love you, too, Jen. So, next week na ba ang flight mo? Nakalimutan ko kasi sa sobrang busy ko these past few days," "Kuya, for three years na wala ako sa Pilipinas, hindi mo man lang ba naisipang magdate kahit isang beses lang?" "Ahm, no. As in never," "What?!" "As far as I know, hindi ko obligasyon ang makipagdate," "Kuya, you're hopeless!" "And don't ever think I'm gay," "Uhuh?" "I found a nice place na pwedeng pagtayuan ng branch ng shoe store mo dito, Jen. Mamaya pupuntahan namin 'yon ni Thomas as soon as matapos kami sa office," My heart skipped a beat when he mentioned Thomas' name. Ewan ko ba. Kahit three years na, he still had that same effect on me. "Really? That's great, Kuya! Salamat sa pag-aabala. Ahm, sa Monday na ang flight ko. Just in time para sa party nina Dad. I can't wait!" "Would you like a welcome party, then?" "Oh, no, Kuya. An intimate dinner with the family is very much fine with me," "Okay. If that's what you want," "Thanks, Kuya. You really are the best. Excited na 'kong umuwi diyan," "Excited na rin kaming makita ka," "I have to hang up now. Aayusin ko pa ang mga gamit ko. Bye, Kuya!" "Bye, Jennica," At ibinaba ko na din ang phone. Ang bilis lumipas ng panahon. Tatlong taon na pala ang lumipas at marami na ang nangyari sa akin habang nandito ako sa Italy. Yung mga early months ko dito has been a no joke. Mahirap pala kapag bata ka pa at baguhan, hindi ka madaling mapapansin. Kung akala mo 'yong kaalaman mo eh sapat na, magkakamali ka talaga. I found some good friends and business partners as well. We started small, and as if a very good luck has striked us, bigla na lang nag-boom ang shoe business namin. Then I realized na isa itong blessing. Marami akong nakilalang guys, dated some of them pero wala akong naging boyfriend. Ewan ko ba. Para kasing yong tipong may hinahanap ako kaso hindi ko makita sa kanila. Maybe because I didn't bring my heart with me nang sumakay na 'ko ng eroplano three years ago. Naiwan ko du'n sa Pilipinas, sa taong apat ang mata, du'n sa taong bato. Du'n kay Mang Tomas. For three years, ito ang unang pagkakataon na uuwi ako. Ang dami kong na-missed na special events kaya ngayon, babawi ako. "But how long are you gonna stay there?" tanong sa akin ng partner ko na si Cassidy. She's pure Italian pero fluent mag-english. "I'm not sure, maybe it will take months. I want to have a vacation since I missed my family so much," "Oh, that long?" malungkot niyang sabi. "I'm gonna call you often, don't be so sad," "I'm gonna miss you, Jenni. I hope you'll find love when you finally get home," Napangiti ako. "But I never ran out of love," *** I am finally home. Napangiti ako nang tumapak na rin ang mga paa ko sa airport. Hah. Na-miss ko ang pollution ng Maynila. "Jennica!" "Mom!" Nakita ko na si Mommy. Siya lang ang mag-isang sumundo sa 'kin kasi pareho daw busy sina Dad at Kuya. Nagkataon pa na mamayang gabi ay may gaganaping party. Ang sama ng timing ko, 'no? "Jennica, darling, I missed you so much!" sabi niya at niyakap ako nang mahigpit. "Whoa, same here, Mom. Na-miss ko ang mga luto mo, I missed everything about you," tapos naiyak ako. "Oh, it's okay, darling. Tara na, kailangan mong makapagpahinga. Naging mahaba ang biyahe mo, right?" "You're right, Mom. Na-miss ko na nga ang room ko,eh," Sa labas ay may naghihintay na sa aming kotse. Hmm. Parang wala namang nagbago masyado pero okay na rin ang ganito. "Lalo kang gumanda, Jennica. Mukha kang celebrity sa ayos mo," "Naku, Mom, tatlong taon lang akong nawala binola niyo na 'ko," "Ikaw din, Jen, naging humble ka nang nawala ka," Natawa lang ako. Ang mommy ko talaga,o. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD