My Kuya's Assistant *Final Chapter* MAINGAT niya 'kong ibinaba sa kama at umuklo sa harap ko para hubarin ang sapatos ko. "T-Thomas, you don't have to do that," pigil ko. "Sige na," sabi naman niyang hindi ako pinakinggan. Napabuntong- hininga na lang ako. Sa sobrang pagod, ayoko na munang makipagtalo. "Gusto mo bang manatili ako sa tabi mo para maging okay ka?" May kung ano'ng kumurot sa puso ko. Mariin akong napapikit. Yes, Thomas, I want you by my side not just now but I don't think you'd want forever. "You don't have to, Thomas. Hindi na tayo katulad ng dati. Matanda na 'ko. I'm not a nineteen year-old girl any more," malamig kong sabi. And the Liar Award goes to Jennica Astrid Trias. "Okay," tapos tumayo na siya."But I'm still hoping you'll give me the chance na pakinggan a

